Sa mga may kaya or may suporta ng magulang or pamilya lang pwede yang mamili kung ano gustong trabaho at kung anong klase ng tabaho.
Sa mga nabubuhay ng sapat lang na pambayad sa mga buwanang bayarin at walang natitira, kahit iyan ay WFH or RTO, kahit malayo pa tirahan amg lugar ng hanapbuhay, papatulan yan at magpapsalamat.
Kung maraming kondisyon at maraming demand, pinaka maganda magtayo ng sariling kompanya.
Kaya ko nasabi yan, ganyan din ako dati. Napakadami ko reklamo. Ginawa ko nagtayo ako ng sarili kong negosyo, kaya lahat ng gusto ko nagawa ko at ako nasusunod.
Pero na realize ko na napakahirap mag negosyo, patibayan ng dibdib. Sa mga empleyado naman, pakapalan ng mukha, kasi maraming abusado.