^
parang toggle switch lang un tapos may push button pa for setting and resetting purposes.
^
parang toggle switch lang un tapos may push button pa for setting and resetting purposes.
Kung after market installation yan, it's usually a red push button switch, medyo maliit, parang mani. Pulang mani. Ops, huwag marumi ang isip. It can also be a toggle switch. Usually under the dash or sa gilid ng center console or side moldings, in an area that's not easily visible - siyempre para di mahanap ng carnaper. Pag nahanap, here's how to disable:
1. Turn ignition switch to "on" position
2. Press manual override switch until alarm indicator light turns on.
To turn alarm back on, follow the same procedure but on step 2, wait for the alarm indicator light to turn off.
Good luck, lalo na sa paghanap ng pulang mani.
hahaha mahahanap ko rin yang pulang mani na yan... tamang kapa lang siguro :P
Patulong naman po sa problem ko. Bagong owner lang ako sa second hand na 2003 crosswind xuvi AT. Hindi umaandar ang sasakyan pa may di masyadong nakasara na door tapos nagbiblink ang blue light (siguro sa alarm yun), gusto ko kasi i off yung blinking blue led light baka kasi ma drain ang battery..
Ang ginawa ko nung una, tiningnan ko yung mga doors kung may di masyadong nakasara, pero maayos naman ang pagkasara. Ginamitan ko ng remote sa pag aakalang ma off ko yung blinking blue light. Last resort ko, tinanggal ko yung positive terminal ng car battery. Kinabukasan, ikinabit ko yung positive terminal ng car battery tapos inistart ko ang car pero ganun parin, blinking yung blue light tapos di nag iistart ang makina. Napansin ko rin na di na gumana ang stereo ng car, na nung una na di ko pa tinanggal ang car battery gumagana naman yun (stereo) kapag naka position sa 'ON' ang susi ng car. Posible kaya na nadischarge ang battery?
Nagresearch ako dito sa forum kung papano pagdisable ng car alarm.. Nagtry ako dun sa pag ON ng susi ng car tapos pinindot ko yung red switch sa ilalim ng manebela (bypass switch yata sa alarm) nagresponse naman, na off yung blinking blue light, di nga lang nagstart ang makina at di rin gumana ang stereo. Aftermarket yata itong car alarm ko kaya walang manual at walang nakasulat na brandname. Mga ka tsikoters, ano ang magandang gawin ko? Two days ko ng di nagagamit ang car.
Please patulong naman sa mga nakaexperience nito... Gusto ko sana tanggalin nalang itong car alarm na to para umandar na ang car ko at ng mapalitan ng ibang car alarm na walang immobilizer.
Mukhang nakakabit yung starter relay ng car alarm mo. Teka hanapin ko lang diagram para sa ganyan.
Yun nga siguro sir may immobilizer ba ang tawag dun or starter kill... Sana ma override or matanggal ko yun para umandar na yung sasakyan ko..
Bale sir ija-jumper ko yung white (to starter) at red (to ignition switch) para mabypass ang relay? Yun lang ba sir ang gagawin?
wala bang masisira sa sasakyan sir kung i-bypass ang relay? Pare-pareho lang ba sir ang kulay ng mga wirings papunta sa starter (white) at sa ignition switch (red)?
Wala bang redondo ng starter pagpihit ng key sa start?
Sent from my Starmobile UP+ using Tapatalk
Check mo kung parehas ng color coding, anyway, basta yung wire papunta starter, typical malaki diameter nyan. Kung makita mo na yun, alisin mo relay at i-connect mo na lang.
Hanap ka na lang car electrician dyan.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Check mo kung parehas ng color coding, anyway, basta yung wire papunta starter, typical malaki diameter nyan. Kung makita mo na yun, alisin mo relay at i-connect mo na lang.
Hanap ka na lang car electrician dyan.
opo sir walang redondo ng starter pagpihit ng susi mula sa ON position papunta sa START position. Anong ibig sabihin pagganun sir?
Nasabi mo ayaw na gumana car stereo mula ikabit balik mo battery.
Check mo muna fuse sa ilalim dashboard mo para sa car stereo. Baka putok na fuse nun, at ayaw rin mag-supply ng power sa relay(starter kill).
Sent from my Starmobile UP+ using Tapatalk
Ok sir rodetor icheck ko bukas. Papano nga pala malalaman kung putok na ang fuse?
Pagnag oopen ako ng door ng car, nagbiblink ang headlight, signal light at backlight ng instrumentation (rpm, tachometer, etc). Ibig sabihin ba nyan sir ok pa ang battery ko?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ok sir rodetor icheck ko bukas. Papano nga pala malalaman kung putok na ang fuse?
Pagnag oopen ako ng door ng car, nagbiblink ang headlight, signal light at backlight ng instrumentation (rpm, tachometer, etc). Ibig sabihin ba nyan sir ok pa ang battery ko?
Kapag nag-disarm/unlock ng car alarm, na-deactivate yung starter kill, kaya pag-switch mo sa start ng ignition key, aandar starter motor mo.
Sent from my Starmobile UP+ using Tapatalk