Installed the Force Alarm kanina lang. The whole thing lasted from I think 10am hanggang 5:30 Not in the negative way, pasaway lang ang auto ko.
The alarm costed me 1700 pesos. Not bad. Masaya na ako. with 300 petot labor. Dinalahan ko ng breakfast si Jameson kasi baka di pa kumakain umagang umaga dinistorbo ko. Overall cost is 6000 kanina. 4000 lang dala ko pera babalik ko bukas yung 2000. Madaling kausap si Jameson highly recommended.
I will post yung mga pinagawa ko sa auto as reference to our fellow tsikoteers.
Force Alarm: 1700 pesos
Installation: 300 pesos
Diode para sa signal light yung light ng alarm: 150 pesos
Stebel Magnum horn: 650 pesos
Installation: 100 pesos
My central lock is not working and so is my power mirrors. Nag submarine kasi ang kotse ko noong bagyong Ondoy, mga kalahating tao pa above the roof ang tubig. At nababad dun for 6 hours. Na asikaso ko lang ang auto after 3 days, dun ko lang na disconnect ang battery.
Repair of the motor locks sa pinto: 300 each door. 5 door ang tsikot ko, sabi ko 1,200 na lang okay naman. Na stock up kasi ang motor ng power lock ko.
Module for the power lock, 650. Yung utak lang ang kinuha, babalikan ko ang galamay bukas.
Repair of the stock up motor sa power mirror: 800 for the pair.
Repair of the naglolokong fog light, nilagyan ng relay and wiring, 500.
Nabitin pera ko eh ibabalik ko na lang bukas.
Overall, happy ako. Tigbak ang kotse ko eh, estimate sa casa is 50k conservative, wala pang parts na papalitan yung comp box lang. 10k pa lang nagagastos ko gumagana na lahat except the EPS. Happy ako nag ka power locks ako, nag ka sensor alarm pa. Happy rin ako gumagana na power mirrors ko at ang fog lights di na nagloloko.