Share ko lang ang experience ko sa usefulness ng backup sensor.
Di natin maiwasan na meron talagang bobo mag-parking. Ang I'm not saying it was me, hehehe... eto yung nangyari. Sa madilim na basement parking sa isang mall, I started parking my car on reverse. As I backed up midway pa lang, the sensor started to beep and then soon enough it had the continuous beep which signaled me to stop immediately. Hindi pa pasok sa slot yung car, pero obstructed na sa likod. When I went to full stop, I opened the door and inspected the back... may bwiset na bobang naka-park na sobra sa slot nya, occupied na yung sa tapat nya (slot ko). Wala kasing stopper dun sa part nya (fault ng mall, in fairness to her) so sinagad nya until she felt the stopper touch her tires. But still, she should've noticed na hindi pantay yung kotse nya sa mga katabi nya.
Tapos sabi sa akin nung mga nakakita dun na guard, mataray daw yung may-ari nung kotse na yun. Ang sabi ko lang, pakialam ko kung mataray sya, e boba naman sya mag-park, at kapag nabangga ko sya, lugi naman ako sa damages dahil luma ang tsikot nya. I'm not insulting her dahil di kagandahan ang kotse nya... ang problema ay yung driver hindi yung car. Hahaha.
Anyway, rant aside... if I didn't have a backup sensor, I may have hit her car while parking... dahil ang dilim dilim talaga nung basement parking na yun, tapos malay ko bang may ganun kabobo mag-park.
One more lesson learned... always assume na bobo mag-park ang mga katabi mo sa parking, para extra cautious tayo lagi.
Sorry kung medyo naparami ang word na "bobo" sa message ko, hahahahaha. Let me know kung dapat kong i-edit at palitan ng "tangerks". :D
Nga pala, I still believe na yung mga LED/LCD displays nung obstruction distance ay hindi masyado kailangan. Kasi based sa pattern nung tunog ng beep, alam mo na ang approximate distance anyway... no need for the exact distance, backing up is not an exact science. :D