Marami talagang pasaway na driver with na baluktot na reasoning.
madali naman mai compare ang difference ng projector type at HID bulb kasi sabog ang liwanag ng bulb compare sa projector lalo na kung naka multi reflector ang housing kaya yung iba FL na lang ang nilalagyan ng HID at yung HL osram nb or philips nv. kapitbahay ko na naka xtrail nagpakabit HiD bulb eh minsan yata along aguinaldo hiway pauwi from work may nakasalubong nasilaw hinabol sya at natutukan kaya now osram nb na lang at tinitingnan nga namin saog talaga ang ilaw kahit na low beam lang HID nya
Sad to say but in today's society.
Common sense is not common anymore.
I have done my homework nung nag palagay ako ng HID na fog light kay garyq.
puro kasi papogi alam ng iba.
pag nagretrofit ka kahit mahal pero makikita mo talaga diperensya sa mga plug and play.
*TS
balik mo nalang sa halogen ang bulb mo. marami dyan magaganda na brand ng halogen bulb na maganda din ang output na bigay.
if you want to stick with HID, retrofit is your ONLY choice,
Be a responsible driver.
Dami talaga inconsiderate sa kalsada
Just because you can, doesn't mean you should
Note:
Yun mga conversion kits na yan ay hindi original. Kung iniisip mo original yun mga nasa maliliit na attache case, eh nagkakamali ka. Yan yun mga HID na hindi dapat ginagamit. Ang mga original na HID talaga, yun mga Osram Xenarc, Philips 81522+, na ginagamit lang sa mga projector na ginagamit sa retrofitting.
Pasensya na pero mukhang kulang ang info mo or mali ang nasagap mong info. Tingin tingin din ng mga retrofit dito nila garyq at sa Redline.
Kung tutuusin, madami na kong nakasalubong na D-Max na naka HID conversion lang (model 2005 below) at masyadong masakit sa mata.
Payong ka-tsikot, alisin mo nalang yan kung ayaw mong makaperwisyo ng tao. Kung gusto mo talaga ng HID, ipon nalang para sa pagpaparetrofit.
And oh, wag mo rin ako sasabihan na wala akong alam. Like nelany, nagawa ko na homework ko tungkol sa HID at 4 years na kong naka retrofit sa Pajero ko.
Aw nakakasilaw rin pala yungsa Dmax. One reason kaya rin ako magpaparetrofit ng HID. Ung sakin kasi ngayon is H7 lang so ung HI nya is Halogen, pagnakabixenon, mas masakit mangsilaw pag may kasalubong akong naka PNP na HID. tska hirap sa mata ung PNP na H7 sa Halogen Projectors, mahina parin.
In actuality, Philips does manufacture HID bulbs for retrofit purposes that will fit 9006, 9005, H11, H7, and H4 halogen bulb reflectors, along with D1S, D2S, D2R, and D4S for projector lamps. But they only come in 4200k and 6000k color temps. Any other configuration is surely a fake.
Yup, pag malakas ang ulan lalo na if you're driving on tarmac roads, mas mabuti pa na patayin mo nalang ilaw mo at pumarada sa pinakamalapit na gasolinahan.
Tapos may mga estupido pa dyan na naka tint yung harap na salamin, syempre walang makita pag gabi, solusyon nila, mas lalong malakas na ilaw.
These are the people who I call individuals one chromosome short of being a CAMOTE.
Simple lang naman para malaman mo kung nakakasilaw yan o hindi.
Install one HID sa isang side then halogen sa kabila. Pailawin mo parehas then magpunta ka sa harap. I did that but I found na HINDI mas nakakasilaw ang HID. Why not try kung di mo pa nasubukan?
One more thing, hindi halat na nakakasilaw na nakakasalubong sa daan ay HID ang ilaw. Tinanong mo ba kung HID ang ilaw ng nakasalubong mo?
At hindi rin lahat na hindi nakakasilaw sa daan ay halogen ang ilaw. Tinanong mo ba kung halogen ang ilaw nung nakasalubong mo?
Well kung illegal sa ibang bansa, nasa Pilipinas naman siguro tayo.
hahaha!
para sayo walang glare, eh sa iba kaya?
baka nabubulag ka ng paniniwala mo.
i bet 1000 petot (ito lang kaya ko e) may glare yan kotse mo.
o kaya picturan mo kotse mo, tas lagay mu dito para makita talaga na walang glare. ang tanong alam mo din kaya kung san ka pwepwesto para makita kung may glare o wala
hindi ko din sinabi na HID lang nakakasilaw, lahat ng ilaw pwedeng nakakasilaw pag hindi tama ang paggamit. pero sigurado ako yun sayo may glare at nakakasilaw
Sent from my CM Omega HD 2.0 using Tapatalk 4
Huwag nyo na patulan confused shoes na nga eh. Very scientific ang pag check niya ng sabog at hindi sabog na ilaw. Hehehe
Hehe, iba ang actual na nakikita at nababasa.
So agree ka na hindi lahat na nakakasilaw ay HID. Peace.
At hindi rin lahat na hindi nakakasilaw ay hindi HID. Meron din dyan halogen na HID look. Like Osram Cool Blue Intense and Philips Diamond Vision.
Saang pupwesto? Ikaw naman pre, siguro nung may nakasalubong kang nakakasilaw, mali ang pwesto mo, hehe.
may mga makikitid talaga utak..
tinuturaan ng tama, pilit parin ang gusto niya kahit mali.
o well it shows how intelligent and mature you are.
pag may nakakasalubong akong naka halogen reflector lamp tas naka HID, is either tanga o tanga lang naman
Sent from my CM Omega HD 2.0 using Tapatalk 4