Bought mine sa Team Car Center sa Banawe. Went to perfect circle kahapon wala na raw stock ang kini-carry na daw nila is PIAA.
1,600 damage. Binyahe ko agad sa quezon maganda naman ang buga. Naninibago lang ako kasi nag pa tint ako sa windshield ng BC series. Siguro kung stock yung ilaw ko baka wala ako makita.
Kung may kasalubong pansin ko medyo di kita ang ilaw ko o naka high beam lang mga kasalubong ko. Pag ikaw na lang sa madilim na kalye malinaw.
before naka HID ako..ewan ko ba bigla na lang ako nagsawa, tinago ko na lang para kung sakaling trip ko ulit mag HID kabit ko na lang ulit.
got my XP this afternoon...hindi yung pair ang nabili ko bale separate na bulb ang nabili ko i mean tig isang packaging bawat bulb. 680 each so dalawa kinuha ko para pares, 1360 total, natawaran ko sa halagang 1300. i'll try it tonight.
nga pala, ang hirap magahanap ng H4. nakailang tawag ako sa mga accessories shops out of stock lahat, luckily may nahanap pa ako.
nakanit mo na ba XP mo?
how would you compare it with your HID? alin mas maliwanag as drivers point of view and not when you're outside looking at the lights. iba kasi pag nasa loob ka ng car. been thinking kasi kung mag HID naman ako sa captiva ko. naka xp na ako better than the original halogens pero parang bitin pa rin sa akin ang brightness niya, kulang sa layo and minsan di ko makita ang tao sa gitna. sa right side no problem because of the cutoff na pataas.
syempre nothing will compare sa HID..the reason why i switched back to halogen is parang ang dumi ng engine bay ko kasi ang buhol buhol yung mga harness ng HID (well sana pinaayos ko na lang dba?), anyway, i've been using HIDs for a year and a half na with my previous car and the car that i'm using right now, sad to say na kahit 6000k pa yung kelvin temp, hirap pa rin sa tag ulan talaga. d ko na rin inisip na magpalit ng HID bulb to a lower twmp for better visibility on wet asphalt road kasi, for me, everytime magpapaengine wash ako, i always have this fear na baka mabasa ballast and stuff like that. you may find me weird coz rainy days are almost over na sa pinas dba sana maintain ko na lang HID ko, i guess nagsawa na rin ako. very common na rin kasi naka HID sa everyday motorists.
if you're really aiming for an HID, projector headlamps is a must kasi glare galore talaga sa mga nakakasalubong mo. and i would suggest getting the 4300k color temp para dumating man tag ulan, hindi mahirap mag drive (talking about experience).
hope this helps
Does anybody know if there is a Philips Extreme Power plus na HB5 or 9007? And where possibly is it available. Thanks po.
may h11 po ba na ganito? and saan po kaya makakabili ng ganito? planning to upgrade my stock fog lights to this. ayos din po ba road visibility kapag umuulan and asphalt roads? tia!
balik ako to philips extreme after using hids (5000k and 6000k) for half a year.
mas convenient kasi using halogen instead of hids. i miss being able to signal using high beams when i was using hids kahit pa naka-telescopic ako. tipid na tipid ang pag-flash ko for fear of breaking the hi/low mechanism.
my thoughts on hid and extreme? parang pareho lang sila ng visibility when looking from the inside of the car (i'm using medium neutral tints, by the way). pero from the outside, mas maporma yung hid.
bad news. my left lowbeam is not busted hehe. mga 2 years+ din ata before napundi itong xtreme powers ko. buy ako ulit tomorrow hehe
Napundi ang dim ng isang XP ko kahapon. Nag back read ako, Oct 2008 ko nabili.
Isinauli ko ang stock na bulb sa left. XP pa rin sa right.
Medyo madilaw talaga ang stock. Bibili ulit ako.
Last edited by meledson; January 20th, 2010 at 11:50 PM.
^
hahaha same tayo kakapundi lang talaga. nag back read din ako october 21 2008. more or less almost 2 years lang pala sa akin. so ganito ata ang normal lifespan nito. average of 4 hours usage ata itong akin everynight.
kakabili ko lang rin kanina. 1,480 siya
ako typically less than 3 hours a day nagagamit.
kagabi habang pauwi ako napansin so sa sinundan kong SUV na ang ilaw ko sa likod nya ay _ _/. may fogs pa naman ako kaya OK lang. ng sinabi ko mrs na pundido ang 1 kong headlight, sabi nya sa akin kaya pala parang mahina headlight. Alam nya kasi na maliwanag talaga ang HL ng Avanza. pag tue, palit kami car kasi coding ang Avanza.
hirap pa man din maghanap ng XP.lakas demand.
![]()
mga sir, ok din bang gamitin ang Phillips XP kapag naulan? o kailangan talaga all weather bulb? thanks sa mag rereply.
Sakin a year lang napundi na yung isa. Wala ng mabilhan na mura ngaun dati bili ko lang sa xp 1.1k ngaun nasa 2k na.