Hindi magchange unit ang insurance sa flooded cars, unless otherwise na mas expensive pa yung repairs compared sa bayaran na lang yung unit based dun sa policy mo.
Ang gagawin lang dyan ng insurance ay i-cover ang expenses mo sa cleaning at hangang ma-revive ang unit mo.
Kaya lumalabas lang na kapag ganyan binaha, nalibre ka sa repairs and cleaning pero I am sure na yung may-ari di na rin satisfied sa unit nya dahil lalabas at lalabas ang kalawang nyan.
Yung sa city ng kaibigan ko ni-cash settlement ng insurance. Ngayon naka-hyundai accent crdi na hatchback siya kulay red.
#Retzing
Sa tingin ko ok lang naman yung sasakyan mo, di naman pinasok ng tubig ang makina nyan, yung interior mo lang ang may issue nyan sigurado at mag uumpisa na mga kalawang sa mga exposed parts ng body and chassis ng sasakyan mo.
malamang mukhang ok pa naman sinusi ko kanina pero hnd ko start mahirap na.just to open ung window okey nmn nagana pa.hnd ba kaya ng rustproof ung mga gnun sir?at pwede ba magprovide ung insurance company ng car habng ginagawa ung unit?hirap kasi wlang servis eh.
Sent from my iPhone using Tapatalk - now Free
The moment na pinasok tubig flooring mo, automatic baklas carpet ka kaagad, sa ngayun nag uumpisa na mangalawang yan. Yung pang ilalim halos wala ka issue kasi naka undercoat naman yun, yung ibabaw ang problema mo. Pabaklas mo na at palinisan then ipa recoat mo.
1. Pictures po prepare nyo na, need nyo yan sa pag claim ng insurance, dapat makita na inabot ng baha para ma-justify na pinasok nga.
2. kalsohan mo ung gulong then release mo ung hand brake, para pag na tuyo hindi mag sticky.
3. hingi ka na ng repair estimate sa casa para the earlier ma-ifile mo na sa insurance.
4. ung kaya mong tangalin sa loob ng car, tangalin mo na para mas less ung nakakabad.
5. buy ka na din ng dehumidifier (99 lang un sa SM), lagay mo sa loob ng car mo.
6. kung bumaba na ang tubig baha, gamit ka ng wet-n-dry vacuum para mahigop mo na ung water sa carpet, pwede mo na din sabunin para malinisan ng konti. (note: yung insurance claim mo for approval pa yan, matagal pa bago mo maipasok sa casa kaya hanga maari linisin mo muna).
holiday pa din naman ngayon bukas na kung mag claim kayo sa insurance.
binaha din po oto ko, dinala ko na sa casa, pano pag claim? Should I go directly sa office ng insurance company( peoples general) kausap ko yung Ahente kinukuha nya sa akin yung original policy, Ganun po ba talaga?
Kuha ka estimate sa casa, dalhin mo sa insurance adjuster ng insurance mo and of course with your policy, kasi kung wala ka aog or aon, ikaw gagastos sa repairs mo.
Salamat sa reply sir, with aog yung policy ng insurance, question ko lang bakit kinukuha yung original policy, sya daw magdadala? Dba Dapat Xerox lang akin ang original?
Yan paps ang di ko masasagot, wag mo ibigay original, bigyan mo na lang photocopy.