guys baka may mairecommend kayong abogado? nabunggo kasi yung kotse ng wife ko knina. just got back from Malugay LTO. ganun ba talaga wala gagawin yung police na mag-a-assist? wala man lang kasi ginawa yung pulis eh. mukhang natameme after may tumawag sa kanya. feeling namin malakas connection nung other party.

anyway, ito nangyari. around 8pm earlier tumawag wife ko sa akin informing me na involved sya sa accident. nabangga daw sya ng isang Isuzu Alterra while switching lane sa Buendia dahil pa-right sya sa Paseo papunta ng Jupiter. Galing sya ng The Fort. Malapit nalang sya sa amin so pinuntahan ko. pagdating ko sa scene, exacto papunta na sila sa presinto.

pagdating sa precint, tahimik lang kami. then tinanong ko yung driver nung alterra, a lady, kung ano gusto mangyari. antayin nalang daw namin yung verdict. may kasama syang 2 ladies din. Parehas na mabunganga. Yung isa kinuha yung # ng precint tapos may tinawagan at sinabi sa isang pulis na may tatawag daw in awhile.

at first nag-i-investigate pa yung police then may lumapit sa kanyang isang pulis pa na nagtatanong kung sino yung may kaso ng Isuzu Alterra. after nun bigla natameme na yung nag-a-assist sa aming pulis. palihim sila nag uusap. tapos mapapansin mong parang he's implying na yung wife ko na ang may kasalanan. nung kinuhanan ng picture yung mga sasakyan, maliit daw damage nung kotse namin at malaki damage nung alterra. pero he's insisting he was not taking sides that he's just checking the damage.

pagbalik sa room, nagbubunganga na naman yung 2 kasama nung lady driver. Pero yung driver tahimik lang. nung pinatitigil ko yung isa, ako naman binungangaan so sinabi ko para naman syang walang pinag aralan. tuloy parin. so tinanong ko yung lady driver kung ano ba gusto nya at sya mag decide. sabi ko ok lang naman sa amin kung insurance nila bahala or kung pwede mapag usapan. wala naman problem sa amin. pero sabi ituloy daw sa korte.

ito reasoning nila:
- sila daw ang nasa right of way. kaya automatic yung wife ko may kasalanan. Sabi ko naka-stop silang lahat dahil red ang traffic light. malaki ang space between yung alterra at yung nasa harap nya kaya nag-signal yung wife ko to switch lane. hindi naman sila moving na bigla nalang sya nag-swerve to the other lane. (based on wifeys story)

- magkatapat daw sila then bigla nag swerve yung wife ko to the right kaya nya nabangga yung alterra. sabi ko kung magkatapat sila bakit sa may pinto hanggang sa front fender yung gasgas ng mazda. kita sa picture na nung nagkabanggaan sila, nasa front fender yung nguso ng alterra. dapat nasa may pinto kung yung kotse ang gumitgit sa alterra. at bakit halos naka patong na yung gulong ng alterra sa gulong ng kotse. inararo eh. dapat sa parehas nilang tip ng kotse nagkabanggan kung magkatabi sila

- may dent daw sa ilalim ng bumper nung alterra kaya ibig sabihin yung wife ko ang bumangga sa kanila. sabi ko kaya may dent sa ilalim kasi inararo nung alterra yung mazda. kita sa picture naka angat yung alterra

- kung sila daw ang bumangga dapat may dent sa harap nila. pinakita ko yung dent sa harap ng bumper nila. sila parin daw tama

- kung sila daw bumangga dapat sa may pinto daw yung gasgas ng kotse. sabi ko pwede natin puntahan yung kotse. at kung nasa pinto yung gasgas hanggang fender, aamin ba silang mali sila at sila magpapaayos? hindi parin daw. inatras daw kasi ng wife ko yung kotse kaya nagkaroon ng gasgas sa front door. dun ako napamura sa inis. saka paano makakaatras yung kotse eh yung gulong nila halos nakasampa sa gulong ng mazda.

- wala daw kaming insurance (TPL lang) so kami ang may kasalanan. wala daw kaming magagawa. ituloy daw sa korte. sabi ko hindi porke walang insurance eh sya na may kasalanan.

all the time, tahimik lang yung lady driver. yung 2 kasama nya ang nagbubungga. nagbitaw pa ng derogatory words sa wife ko. tabatchoy face daw. eh yung kasama nya mataba na nga pangit pa. lol

sabi ko sa lady driver, alam kong deep in her mind alam nyang sya may kasalanan so magdecide sya kung ano gusto nya mangyari. ok lang sa amin kahit insurance nila magpapaayos yung gasgas at dent (front right door + front right fender)

sobrang badtrip nagmamayabang pa yung 2 kasama habang paalis kami ng LTO office. sa Monday daw ulit magkikita kita

ano ba usually ang proseso pag napunta sa korte yung kaso? may pag asa ba based sa mga pictures?

Thanks in advance.

Pictures:














The rest of the pics here -> Album - 15 images