naalala ko tuloy yung tamaraw fx ng barkada ko, TMW nga ang tawag namin dun eh(inside joke, may BMW din kasi sila)

yun ang unang barkada ride namin, wala pa kasi kaming mga lisensya nun(highschool palang) kaya yun lang nagagamit ng kabarkada ko sa mga sasakyan nila. btw second hand nila nakuha yun pero tulad nga nung sabi nung kuya niyang yung Isuzu Trooper(brand new nakuha) nila ang ginagamit, mas matibay pa daw si TMW kaysa sa trooper. ngayon binenta na nila yung trooper pero anjan pa din si TMW hahaha

super reliable siya sir, kaso medjo mahina ang aircon at mabagal na din(hanggang 100km/h nalang yung sa kaibigan ko) pero napaka-spacious at matibay talaga. nadala pa nga namin sa manila yun eh. hanap ka nalang ng maganda condition na tamaraw fx, panalong panalo