Mga Sir good morning, salamat sa mga nagrereply I really appreciate it. But unfortunately undecided pa din ako which pick-up will I go. Pasensya na po. Halos lahat po kasi magaganda, especially pag nakakasalubong ko sila sa daan, Ranger, Colorado, Navara, DMAX at Strada, nangyayari kasi pag nakasalubong ko si Colorado napapagusto ko tapos pag si Ranger nakasalubong ko din napapagusto rin ako.

Ganito na lang mga Sir hingi na lang ako ng advise dito sa mga pinaka-gusto ko mga pickup. Pasensya na po kung paulit-ulit ako.

1. Navara - eto po sana pinaka gusto ko, kasi machong macho ako dito pag nakakasalubong ko, yun issue ko sa ground clearance siguro pwede ko na palampasin kasi yun baha naman dito sa area ko pag tag-ulan above the knee lang naman eh, kaya lang ang isa pang di ko gusto dito eh yun interior, medyo luma po ata style na, paki enlighten naman po ako sa interior ng Navara and yun mga features nito.

2. Strada - second choice ko sana, kasi ayos ang interior at features, kaya lang nakukulangan po ako sa machoness ika nga. Plan ko sana palitan agad ng gulong in case eto kunin ko.

3. Ranger - actually naka-reserve pa din ako dito hanggang ngayon for almost 1month na. May DP ako na 10K pero wala pa din linaw kung kelan magkaka-unit. Pero sa pag-iisip ko parang naaalangan po ako kung gagamitin ko sya araw-araw as my service, kasi medyo malaki ho to para sa akin, tapos no decent parking pa dun sa office ko, tapos baka di ko nga masyado magamit yun purpose ng truck na to.

4. Colorado - parehas lang sya sa tingin ko sa laki ng Ranger, pero medyo mas mahal sya kumpara sa iba tapos wala pa mga bed liner na kasama, pero head turner to pag dala dala mo, issue is same sa Ranger as everyday car.

5. DMAX - wala ako macocomment dito kasi hindi ko sya nasakyan although yun mga naririnig kong comment eh maingay daw makina at mausok kaya siguro di ako nagkaka-interes.

6. HiLux - for me masyado syang truck kaya di rin ako masyado nagka interes dito.

So mga Sir wag po sana kayong magagalit ha kung paulit-ulit lang ako, gusto ko lang po talaga ng tulong makapag decide kung alin.

Kung kayo po ang pipili para sa'kin alin po kaya yun fit sa'kin, everyday Car na slight utility lang.


Maraming salamat po uli sa inyong lahat.