Might as well throw it to the group. We probably have to get 2 new units by the end of the year -- a van and a cuv. There's some flexibility on which to get first but each decision has its problem as follows:

Choice Set A:

VAN
Starex -- Problema pangatlong starex na namin ito if ever at sawang sawa na kami sa itsura. Gusto lang namin matipid, reliable, ok ang ride, at may 'ilong'. OK sana yung 4x4 variant kaso since no one keeps it in stock, ang hirap makakuha ng OK na deal which for me is the only thing that can be done to overcome our 'pagka-sawa'.

Innova -- Bukod sa ang dami ng may Innova sa kalye, nakakatakot ang d4d engine woes issues. Pero may isa pang option -- unahin muna ang cuv:

Choice Set B:
CUV
Forester 2.0 -- Bukod sa konti pa lang ang parts, balita ko masikip daw ang likod. Eh matataba pa naman pamilya ko. In either case, since the alternate comes out in march yet, might as well wait for that, right?

CRV 07 -- Great reputation, space, etc. Kaya lang ine-expect ko may mga problem pa sa unang labas so kung siya ang top choice sa 4, hindi pa puwede until the end of the year. In which case, madedelay ang choice sa Set A to early next year -- mawawalan ng van pang road trip sa summer!

Ano sa tingin niyo dapat gawin?