Kung naka-stock lang sa stock yard ng casa, okay yun.

Pero kung display unit mismo, ayoko ng ganun. Kasi kung sino-sino na humawak diyan.

Nangyari yan before nung kukuha kami ng Explorer (2008 pa ) Gusto nila ibigay yung display unit. Sabi ko gusto ko ng fresh from stock yard, mahirap yun display unit malamang napakialaman na yan ng iba at napindot pindot na yung buttons. Ayun kumuha pa sila sa stock yard sa Santa Rosa. We waited for almost 3 hours. Dumating din yung unit naka-truck.

Nung 2010 naman, yung Tucson. Pumayag ako na i-display muna ng dealership bago ko kunin, pero naka lock yung doors.

BTW, advance congrats.