Karamihan (hindi kayong lahat ah) ng nagsasabi pangit automatic o may mga excuse sa automatic ay di pa nakadrive ng automatic. Ganyan din ako dati e. Iniisip ko reliability, maintenance, delay sa shift, magkamali ng apak at kung ano ano pang rason. Nagdiscuss kami ng family, decided to go with automatic para matuto rin mga babaeng kapatid ko. Thankfully yun ang decision namin. Pwera sa hindi pagod sa traffic, na-ACL left knee ko. Kung manual yan ilang buwan ako di makadrive after surgery. At we'll never go back to manual kasi ok na ok naman pala ang automatic