Quote Originally Posted by gtvguy View Post
kung saan saan na napunta comparison mo...tama yan....tulungan mo nalang maka benta mga ahente ng kia pride ahaha ....ng hindi nilalangaw at inaalikabok sa showroom mga unit nila tulad ng sorento...dapat nasa kalsada yan...kung talagang quality kamo
looks like galit ka sa korean, kia in particular. ang pinagpipilian e sorento 2.2 crdi at montero tci. Repeat, TCI. yung smoke belcher na 4d56 engine. 2 particular car models, hindi ang brand. kung ang choices e sorento 2.2 crdi saka montero sports 3.2, yan ok yan pareho silang common rail. kaso nga hindi, TCI nga kasi yung isa.

di naman sa dami sa daan ang proof kung reliable o hindi. oo madaming montero, pero karamihan e yung common rail, hindi TCI.

oo tama ka madami ang montero, konti ang sorento. kokonti ang sorento kasi meron pa din yung impression ng mga tao (isa ka dun, at DATI isa din ako dun dahil meron akong kia pride nuon 1991) na hindi quality ang kia. tama yun, agree ako dun. nuong 1991. hangang year 2000 pa siguro. pero 2013 na bok, 2013. 22 years na. dati ang kia ay mazda-ford. ngayon ang kia ay hyundai na. advanced na. so yung TAMA na impression natin nuon sa brand na kia ay low quality, MALI na ngayon kasi nag-improve na sila at nalampasan na nila ang japanese technology pag dating sa CRDI na makina.

pero bakit ka pikon, hahahaha! ikaw ba ang isa sa nakabili ng smoke belcher na 4d56 na montero? ilan beses ka na ba nahuli ng asbu at nanggagaliiti ka dyan hahahaha!