
Originally Posted by
vvti2.0
Parehas lang presyo nyan kung di mo ipaayos.
At kung ipaayos mo, sino ba naman ang seller na nasa matinong utak na aamin na nabaha ang unit nya?
And wala ring buyer na bibili ng nabahang unit sa presyo ng hindi nabaha.
So hindi realistic ang pagcompare sa dalawang sasakyan sa kadahalinang sakaling mabaha.
I-compare mo sila sa performace, looks and technology.
Believe it or not, crosswind is nothing but a facelifted hi-lander. Wala naman nagdedeny na maganda ang 4JA1, pero it is an old technology na patuloy binebenta sa atin ng isuzu dahil patuloy pa rin may bumibili.
Marketing strategy yan, bakit mo babaguhin ang isang bagay na marami pa naghahanap? Take a look at adventure, binago ba ng Mitsubishi? Hindi, kasi may current market ka na. Umpisa ng lumabas ang FX, yan na ang itsura ng adventure, umpisa ng lumabas naman ang Revo, yan na ang itsura ng crosswind, pero same internals sa hilander.
Matagal ng alam ng mga tao na maganda ang 4JA1, yun nga lang, luma na ito.