Opinion ko lang po:
*Hindi Pro ang 5 year warranty ng H100 dahil 5 years mo din siya kailangan ipa-service sa casa para mamaintain ang warranty. Sa laki ng gagastusin mo dun, kahit may malaki pang masira sa Urvan, hindi pa din siguro aabot sa laki ng magasasta mo sa 'Casa maintenance'. Advantage lang nun, maintenance siya and hindi siya downtime (less likely tumirik habang naghahatid ng mga bata). Pero kung may iba ka namang unit na pwede mag-back up, bale wala na sa iyo ang matirikan ng sasakyan kahit mga once a year lang.

*Masarap i-drive dahil bago. Tama po iyan. Mas madali din para sa driver gamitin yung mga controls kasi updated ang ergonomics niya unlike sa Urvan na malayo ang radio sa driver, yung mga controls walang ilaw kapag gabi, etc. Typical 1980's ergonomics. Ni walang lalagyan ng baso yung Urvan. Iniipit ko pa sa hita ko yung softdrinks ko para kong tanga. Yun nga lang nasasandal ang upuan ng Urvan at naaatras kung matangkad ka. Sa H100, babangga ka na sa rear wall ng cab if you try this.

*Pwede mo naman ikuha ng roof rack ang Urvan.

*Ano ba ang engine ng H100 ngayon? Kung yung 2.5 same lang siya ng sa Adventure at Pajero dati. Kung 2.7 na din, same iyan ng sa Pregio yung malakas mag-overheat pag naluma. Urvan, bulletproof ang engine nun. Ganun ang mga ambulance na nasasakyan ko. Hataw araw araw parang kumakarera pero hindi naman madali bumigay.

*Overall, I'd look at getting a second hand Urvan na makinis pa. Just make sure pa-check mo din ang aircon kasi baka mainitan mga bata.

*Yung H100 mas madali linisin ang passenger compartment. Taas mo lang upuan then kahit i-hose mo loob la problema. Sa Urvan may carpet pa and hindi natatanggal agad mga upuan.

*Btw, mas kumportable daw for kids yung naka-upo ng paharap kesa pa-gilid. Ayun lang sa mga chikiting dito. I think the parents will appreciate that too.