
Originally Posted by
kris_13
Hindi naman parang diesel hehe. Yung celerio kasi comparable sa engine noise ng normal na 4 cylinder. Yung eon medyo maingay pero tingin ko normal lang kasi entry level car lang at yung sound deadening hindi ganon kaganda.. pero ok naman. umaabot naman ng 130kph.
Celerio 13-15kms/L city long drive 18-20kms/L
Si eon nasa 12 t0 15kms/L city minsan mas masama pag puno kayo kasi pwersado. sa long drive di ko na fulltank test eh.
Sa handling si Celerio kayang-kaya ang twisties ng kenon at tagaytay talisay road hindi parang tataob pag banking mo. kapit na kapit. si eon medyo alangan ako.
Mas mura din parts ng celerio kesa sa eon. SP, filter, oilfilter and etc. pati pms mas mura ang suzuki kesa hyundai
Kung ako sayo, hintay hintay ka nalang. accent nalang kunin mo. mas sulit ang pera. konti nalang naman.
Kaya ko nasabi to 5 kasi auto sa bahay. 1 kay erpat 2 sa sister ko at 2 sakin.
1. Avanza - matagtag pag 2 lang kayo sakay.
2. Eon - masikip. pang single lang hehe pero maluwag ang trunk, pwede tambakan ng gamit
3. Celerio - Maluwag sa harap pero masikip sa likod. pwede na sa magasawa na may isang anak. ksaya stroller ng baya sa likod.
4. Accent - eto medyo solid na to. matulin, maganda handling, maluwag, matipid sa gas sa class nya.
5. Vitara - pinaka pogi sa lahat.
hope this helps