Tanong lang po mga bros. Paano kumuha ng kopya ng orig CR.

Ganito kasi nangyari. Hiniram yung kotse namin tapos pinalinis bago ibalik. Ang problema, yung kapatid ko iniiwan pala yung orig CR sa safety box sa may gitna ng kotse, malimit po kasi may mga checkpoint sa probinsiya kaya dala niya lagi. Pina blotter ng kapatid ko tapos nag pa affidavit of lost.
Ngayon, may bumibili sa sasakyan pero hinahanap yung orig na CR, nagtanong kami sa LTO, tapos ang sabi kunin daw namin sa orig na pinag rehistrohan ng sasakyan na nasa Bulacan. Kailangan ba talagang pumunta pa sa Bulacan?, sa Laoag City po yung kapatid ko, di ba computerized na ang LTO at pwedeng ma verify then kuha ng kopya kahit saang LTO office?
Patulong naman po kung anong gagawin dito.
Salamat.