Lol.. silly me..anyway, wala bang remedyo sa upuan? Syempre dapat komportable yung driver seat saka atleast almost 400k-500k din yun kung 2nd hand tapos di komportable..
Sabi nga ng pinsan ko mag SiR daw ako e kung mag ES Civic lang daw ako. Ang arte kasi ng parents ko e.. gusto wala pang 10 years yung sasakyan saka mas safe daw yung sasakyan ngayon di katulad ng lumang model. Syempre kahit gaano ka kaingat at yung ibang driver e walang disiplina.. kung matiyambahan ka aksidente abutin mo so aasa ka nalang sa kung gaano ka safe ang sasakyan mo. Mamaya daw maging konsensya pa nila at pinagmaneho pa nila ako. Kontento na nga sana ako sa Sentra B14 o kaya Honda ESI e. xD Yun din ang hanap nila.. mataas ang resale value.
ahhh.. yung isa lang yung grills.. thanks sa info.
Update:
Nagtingin ako kanina sa mga used car dealers.. yung mga auto mall.. hindi pala yung mall na yun ang may-ari ng mga sasakyan dun? Nakikiparada lang pala sila at puro ahente lang.. Parang mas gusto ko na sa mga tao.
Sabi ng mekaniko na kasama ko kanina tapos yung pinsan ko din pangit daw ang Nissan? Huwag daw ako kumuha ng Nissan e. Mahal daw piyesa/maintenance.
About sa transmission din pala.. yung mga mid-2000s ba na sasakyan mas superior ba ang AT kaysa sa MT? Sabi kasi ng pinsan ko mas madalas daw masira yung trans ng MT pero mura paggawa pero yung trans ng AT daw mas matagal ang buhay yun nga lang medyo mahal daw paggawa kaya mas boto daw siya sa AT. Para sa akin naman.. exciting kasi kapag MT.. feeling ko professional driver ako lol.
Ang sabi niya din, ang tipid daw ng AT niya na Mitsu Grandis 2002 na may 2.4L na makina. Average daw ng 10km/L kapag city driving at abot ng 12km/L kapag highway. Hindi ba malaki ang 2.4L na makina at considering na AUV(auv ba ang class ng grandis?) iyon.. hindi ba dapat mas mababa compared sa sedans?
May Ford Fiesta 1.6L na AT din siya at medyo dismayado siya sa FC ng Fiesta kasi parehas lang ang FC noon sa grandis niya which is 2.4L. Inaasahan niya na mas matipid yung Fiesta dahil sa liit ng makina at sa liit din nung sasakyan. Nirereto nga niya yung sasakyan niya na Grandis e heheh, ok na ba yun sa 350-380k?
Maayos naman at walang ibang condition kasi yung ang gamit namin kanina at ilang beses na akong nkakasakay doon. Mag-aabroad na kasi siya. Pero gusto ko parin sedan.
Another question, bakit binibenta ng mga owner nila ang sasakyan na less than 4 years? at minsan less than 2 years pa. Di ko lang maisip kung bakit mo ibebenta ang nabili mo ng more than 1m after 2 years of use e ibebenta mo na uli ng almost less than 70% - 50%? Well except sa mga shady motives.. ano pang legit(kung meron) reason on selling a young and great working machine for 70-50% less than the price sa pagkabili mo?