Heto baka makatulong sa mga gustong mang upgrade ng stereo tunkol sa POWER AMP and SUBWOOFERS.
Ang two channel amps ay may dalawang outputs para sa dalawang speaker. Pero doesnt mean na pwede mong lagyang ng dalawang subwoofers. Para sigurado ka you just need to be aware of the impedance of your SUBS and the "load" capacity ng subwoofer mo. Sa ganitong sitwasyon, wiring method ay importante.
SERIES VS. PARALLEL WIRING
Ang typical na car stereo amps ay 4-ohm impedance. Pag sabi ang amplifier ay stable down to 2 ohms, usually referring to the minimum impedance na kaya niyang i handle sa stereo (2 channel) mode, hindi bridged (mono) mode. Kung mas mababa ang impedance(resistance or load) ng amplifier ay mas lalong mag po produces ng lakas at lalakas din ng tunog ng iyon tugtog.
A common way to get a 2-ohms stable amp para mag produce ng extra na lakas na kaya niyang ibigay is to wire your speaker in parallel. Basta tandaan mo na ang series wiring ay raises your impedance, parallel wiring is always lower.
Now, sa subwoofer box naman tayo.
Ang SUB box hindi basta, basta simply box lang na pwede mong ilagay ang iyong Subwoofer. Ito ay importante, it is an integral part of the system. A properly sized and built enclosure can turn your pinaka murang subwoofer into performer at tatawanan mo ang yong pinakamahal na subwoofer kung hindi tama ang box na gamit niya.
Dalawang klase ang pag design ng box at very challenging. siguraduhin mo ang tamang sukat para sa tamang volume of air and controlling the box resonances that will compete sa sounds na galing sa woofer and its sounds. Ang Ideal volume ng enclosure box ay depende kung anong subwoofer na gusto mo.
Ang enclousure volume ng box ay (length x width x height) at usually SUB quoted as INTERNAL VOLUME in calculating ang overall external dimension ng box. Importante ang thickness (5/8 or 3/4) at tigas ng tabla na gagamitin mo. Plywood ay hindi magandaang gamitin parang tunog ng latang
niyuyupi. Size ng box for 10 inch sub is 1 to 1.2 cu.ft.(WxHxL), 12 inch is 1.5 to 2.0 cu.ft. itoy single box lang. Kung dalawang sub na magkatabi sa iisang box then the cu.ft must double.
Remember good qualiy box is a must. Dont use nail on the box, use wood glue and wood screw on all joints and make sure the enclosure is airtight so seal all seams silicon caulking including around the terminal cup.