MX lang sir, hindi GT-A. Swerte ko nakabili pa ako ng MX bago maubos ang stocks (phased out na ata dahil hindi nabibili before ang GLS/GLX dahil konti lang price diff ng MX).

Saka hindi black, yung Platinum Beige sa akin, kaya mas lalong hindi halata ang dumi sa unang tingin.

As for reason for choosing NXT Wax, parang sa lighter colors ata hindi masyado kailangan ang mga carnauba dahil hindi naturally "deep" or "rich" ang kulay na ito compared sa black and red. At least since synthetic yung NXT, glossy sobra yung paint ko kahit light colored. Parang nakabalot ng plastic or nail polish, sabi nung officemates ko. Hehehe.

Sabi ng friends ko ipa-buffing ko daw, pero I think claying is much much safer.

Mothers ba sir ang ginagamit mong pang-clay?