May mga minerals kase yung ulan and medyo acidic na yata ang ulan dito satin ngayon so dapat talaga punasan at wag hayaan matuyo.
May mga minerals kase yung ulan and medyo acidic na yata ang ulan dito satin ngayon so dapat talaga punasan at wag hayaan matuyo.
Guys, after ma repaint isang panel safe naba ipadetail agad? Nabangga kasi ako sa driver side door and my plan is pa detail ko agad buong sasakyan after ma repair.
Dapat kabaligtaran ang mangyayari, and dapat mas madali matanggal yung watermark.
Try mo sir yung cleaner wax, if bago lang yung watermark, makukuha nya yan.
Pag my bukol ng tubig, on top of the paint, tapos nabilad sa araw, magkakamark talaga, pero usually natatanggal agad ito, unless several weeks hindi nahugasan yung sasakyan and left untouched yung watermark sa paint, medyo mahirap na talaga syang tanggalin by shampoo.
Salamat sir.
Ques uli sa mga nakakaalam, madalas ko nababasa na ang magandang tire shine is Armor All, kasi di ito petroleum based. Pag sinabing Armor All, ibig ba sabihin nito un Armor All talaga na Tire Foam? Or pwede un Armor All Spray Protectant? Un dapat na ginagamit sa mga dashboards?
*supersam: Armor All is the name of the brand, just like Mothers, Meg's, Turtle Wax, etc. You have to read the product label and description para malaman kung para saan dapat gamitin ang product. So kung para sa gulong, bili ka ng Armor All Tire Shine or Armor All Tire Glaze. Yung Armor All Protectant is for car interior.
Ty for the responses.
Ok ba ang Microtex Tireblack? Hindi ba ito solvent/petroleum based? Meaning safe siya for tires and d magiging brownish color?
Ty
ano magandang brand ng
rain repellant?
water mark remover?
interior care for dashboards?
nakita ko kasi microtex dami products and parang affordable, ok ba siya? flr these purposes?
ang armor all totoo bang nakaka crack lang lalo ng dash board? ginamit ko kasi eto pero isang beses lang, nistop oo nun nabasa ko mga bad reviews.
tia ui sa mga detailing experrts
ano magandang brand ng
rain repellant?- glaz stain guard
water mark remover?- wurth (safe yet effective, mahirap lang hanapin), elevo (effective but difficult to handle since is acid based), carpro spotless (safe and effective).
interior care for dashboards?- Mothers, meguiars
nakita ko kasi microtex dami products and parang affordable, ok ba siya? flr these purposes?- Ok yung shampoo, tireblack, deodorizer and glaz stain guard, ok din yung dash protectant, hindi ko lng type yung amoy.
ang armor all totoo bang nakaka crack lang lalo ng dash board?- masyado makintab and greasy for my taste.
hi guys. tano g ko lang, kung may nakakaalam kung pano ayusin ang minor cracks sa leather seats? kaya ba ito ng leather restorers? ty
mga paps, anong wax yung high gloss, parang wet look na?
spray on na turtle wax express gamit ko di masyadong makintab.
salamat...
Mga sir, offtopic question lang. Pasensya na po kung tama yung thread na pinagpostan ko. Newbie kase hehe
Recently, may nadale akong tryke tas nagkakupi yung Yaris ko. Medyo nabutasan yung body. 3 months palang sakin yung kotse. Brand new ko sya nakuha. Walang gasgas tryke, kotse ko lang meron. hehe. Tanong ko lang po kung talaga bang sa casa ko dapat dalin pag gusto ko ipagawa, or pwede sa mga third party na latero at pintor pero magaling naman?
Dame kasi nagsasabi sakin na mapapamahal daw ako sa casa kahit covered ng insurance. Malaki daw participation fee kasi.
Hindi po ba mavovoid warranty/insurance ko pag pinagawa ko sa third party auto body shops yung oto? Sensya na po newbie question lang
Hello mga ka tsikot. Wala po ba tutorial pano linisin ang mga salamin at headlights/tail lights?
Ano po kaya magandang product ang gamitin?
Sir patulong naman. Nag kakawatermarks kaagad ang 4 days old na totl everest 2015 ko after lang pag car wash ko gamit ung turtle wax shampoo concentrated. Sumubra cguro ung mixing ko sa shampoo at tagal bago ko na banlawan kasi natagalan ako pag linis ng rim and tires.
Whole body talaga ang mga bakat pati na sa headlights, windshield and chrome sa grilles and tail gate.
Takot ako ipa galaw sa detailing baka gamitan ng abrasive compound mabawasan ang clear coat at baka mag kaka swirl marks.
Na try ko na yung distilled white vinegar in 1/3 ratio (1 part vinegar and 3 parts water) pero ayaw talaga matangal. Yung mga bakat para siyang natuyo na wax na nag kalat sa buong katawan.
Patulong naman mga sir sa safe na pag tangal sa watermarks naiwan sa turtle wax shampoo..
Sent from my HTC One using Tapatalk
Meron ba gumagamit sa inyo or review for 3m quick wax?
Nakabili kse ako sa Ace 20% off.