MODEL: 2003 GSX Revo
NOTE: Bobo akong driver. Please be gentle.
WHAT: Papasok ako sa isang eskinita making a right. Merong poste sa right side. Medyo masikip ang eskinita at hindi ko natantiya ng maayos at hindi ako naka-buwelo kaya ang nangyari, sumabit yung kanang pinto nung Revo sa likod ng front passenger's seat pati yung panel nung huling row ng mga upuan sa Revo. It was a pretty deep scratch. Parang nabutas pa nga yung panel or epekto lang siguro yun ng sobrang lalim na scratch. Hindi ko na muna tinignan maigi kasi sobrang nanlumo talaga ako nung marinig ko yung sabit at makita yung gasgas for the first time.
QUESTION: Alam ko, kelangan talaga ipa-estimate muna ito para ma-determine kung magkano ang aabutin ng damage, pero sa mga may experience na sa pag-papagawa ng kotse, yung ganito ka-grabeng sira, mga magkano kaya aabutin? May insurance coverage naman siya.
Hindi ko alam kung kaya ng pukpok yun or kailangan palitan talaga at i-repaint yung dalawang panels na nagasgasan/na-kupi.
I'll try and post pics ASAP. Maraming salamat.


Reply With Quote
charge to experience na lang.

Ayos lang yan. Charge to experience, even the best driver in the world commit errors when it comes to driving. Sure di mo siguro natantya kasi gabi na. Kung me comprehensive insurance ka, its time na gamitin mo, while kung wala naman pagawa mo na lang sa talyer na bihasa na sa mga collision repair na tulad ng nasa pics mo. Di po problema yan kung pera kang pampagawa.
