WHAT: Papasok ako sa isang eskinita making a right. Merong poste sa right side. Medyo masikip ang eskinita at hindi ko natantiya ng maayos at hindi ako naka-buwelo kaya ang nangyari, sumabit yung kanang pinto nung Revo sa likod ng front passenger's seat pati yung panel nung huling row ng mga upuan sa Revo. It was a pretty deep scratch. Parang nabutas pa nga yung panel or epekto lang siguro yun ng sobrang lalim na scratch. Hindi ko na muna tinignan maigi kasi sobrang nanlumo talaga ako nung marinig ko yung sabit at makita yung gasgas for the first time.
QUESTION: Alam ko, kelangan talaga ipa-estimate muna ito para ma-determine kung magkano ang aabutin ng damage, pero sa mga may experience na sa pag-papagawa ng kotse, yung ganito ka-grabeng sira, mga magkano kaya aabutin? May insurance coverage naman siya.
Hindi ko alam kung kaya ng pukpok yun or kailangan palitan talaga at i-repaint yung dalawang panels na nagasgasan/na-kupi.