Nagasgasan po yung bumper ko sa harapan bandang kaliwa. siguro mga 2-3 inches ang haba.
Tanggal yung paint at labas yung pinaka "plastic" na itim.
Ang nakakasama pa ng loob. Hindi naman ako ang may gawa. Ang ingat ko magmaneho. Tiyuhin ko may dala kasama sila tatay at iba ko pang mga tiyo. Nung magpapagas sila sa Shell calamba. Hindi daw napansin ng tiyo ko yung semento sa halamanan. Ayun, sapul ang bumper.
Then kanina. Pumunta kami for the estimate of the damage.
5K daw kasi buong bumper pipinturahan para ayos eh ang liit lang ng damage. Then tinanong namin kung may option pa, sabi nila is 2K na pinakamura, then kalahati lang ng bumper.
Ganoon ba talaga kamahal singil sa simple scratch sa bumper?
Any suggestion sir? Any shop near south(im from San Pedro Laguna nga pala)na kayang gawan ng paraan yun?
Ride ko nga pala is MZ3 and color is Titanium Silver.