New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    28
    #1
    hello everyone!

    tanong lang po. kahapon napansin kong may lumabas na puting usok sa aircon ng sasakyan ko. mga ilang minuto lang naman tapos nawala din. hanggang ngayon ay di na naulit.

    simtomas kaya ng ano ito?

    thanks in advance.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #2
    Sintomas na sobrang lamig ng AC at nagyelo ang linya. :D

    Pansinin nyo rin po at nagpawis malamang yung mga vents nyo matapos lumabas ang maputing usok.

  3. Join Date
    Feb 2003
    Posts
    1,182
    #3
    nangyayari na rin ito lately sa car ko. minsan pag matulin ang takbo at naka-set sa gitna ang thermostat.

    pero minsan slightly below middle, bakit naguusok pa rin?

    pag nagyeyelo ang linya, ibig ba sabihin ay barado na ang mga output ng tubig? (kelangan nang ipalinis?)

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #4
    Pag itatakbo nyo ng expressways at di naman tanghaling tapat, ibaba nyo pa yung thermostat para maiwasan ang sobra pag karga ng compressor at makakagaan din ng load sa makina. Which in turn will save your fuel consumption.

    Minsan may usok na sumasabay habang nananakbo ang sasakyan, o kaya naman kung pabagal na ang takbo. High rpms tend to pump cold air more, therefore freezing the freon lines. Pero kung matagal-tagal bago bumalik ang lamig after that white smoke, mas maigi na pasilip nyo sa AC specialist, malamang sa may bara na sa linya.

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    28
    #5
    thanks for the infos/replies guys.

    i'm usually alone in my car kaya ang setting ko ng thermostat is always at minimum. at a scale of 1 to 10, nasa 1 lang ito lagi.

    napansin ko nga nong lumabas yun puting usok e lumamig siya ng than usual with the same setting ng thermostat. pero di ko naman napansin na nagpawis yun vent after.

    well, obserbahan ko na lang muna.

    OT:

    tuwing kailan ba kailangan ipalinis ang aircon ng sasakyan?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    299
    #6
    nagyayari rin sa akin yan, usually pag in-off ko manually dahil malamig na. then pag maiinit na uli at in- on mo uli yung compressor, yun may smoke na lumalabas. condensation yon kaya? pag nagmeet na yung warm air sa cold condenser? symptoms nga kaya ng maruming condenser?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #7
    yup condensation yan parang pag malamig eh may fog..... kung barado dapat di na lumalamig..... usually nangyayari yan pag malamig ang panahon

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #8
    nangyari din sa akin kahapon, pero sandali lang naman. malamig panahon e.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,301
    #9
    nangyayari yan puting usok na yan kapag mataas ang moisture content ng hangin. yan yung nag freeze na small water molecules. pansinin nyo na kapag naka bukas ang bintana nyo at naka aircon kayo, mas malaki ang chance na may puting usok at pinapawisan ang vents.
    Signature

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #10
    Sa akin di naman sya puting usok pero minsan mabaho ang lumalabas last 4 months nagpalinis na ako.

    ANo kayo ito?

    Sir kung OT paki delete na lang. Thanks

Page 1 of 2 12 LastLast
puting usok sa aircon