Results 11 to 19 of 19
-
August 14th, 2004 04:52 PM #11
Mabahong amoy? Para bang maasim o amoy kulob?
Kung maasim na amoy, freon leak malamang galing sa evaporator or cooling coils kung tawagin sa ibang AC shops.
Kung amoy kulob na parang naiwang basa, barado ang drain hole. Dapat masundot ng alambre o tingting yung nakabara. Mapapansin mo ito pag matagal na naka-on ang AC, dapat may tumutulong tubig sa ilalim.
HTH
-
August 15th, 2004 03:24 PM #12Originally posted by Ungas
Kung amoy kulob na parang naiwang basa, barado ang drain hole. Dapat masundot ng alambre o tingting yung nakabara. Mapapansin mo ito pag matagal na naka-on ang AC, dapat may tumutulong tubig sa ilalim.
HTH
sign ba ng baradong drain hole kapag may tumutulong tubig sa ilalim pag matagal ng naka-on yun AC?
-
August 16th, 2004 05:12 PM #13
Sorry, medyo magulo ba? :D
Pag amoy kulob, barado yung drain hole. Minsan napupunta sa carpet ang tubig na galing sa pawis ng AC, kaya nagkaka-amoy.
Dapat hindi mabarahan ang drain hole, para tuloy tuloy ang daloy ng tubig o pawis nito at tutulo palabas sa bandang ilalim (firewall) ng sasakyan.
-
August 16th, 2004 11:50 PM #14Originally posted by Ungas
Sorry, medyo magulo ba? :D
Pag amoy kulob, barado yung drain hole. Minsan napupunta sa carpet ang tubig na galing sa pawis ng AC, kaya nagkaka-amoy.
Dapat hindi mabarahan ang drain hole, para tuloy tuloy ang daloy ng tubig o pawis nito at tutulo palabas sa bandang ilalim (firewall) ng sasakyan.
May napansin nga akong tulo dun sa carpet ko sa ilalim nang compartment, diba dun yung condenser?
Ano po ba magandang gawin dun?
Amoy kulob nga sya pero hindi naman madalas minsan biglang amoy kulob tapos mawawala.
Thanks.
-
August 16th, 2004 11:53 PM #15
Saka nga pala.
Minsan pa mausok yung sasakyan sa harap mo maamoy mo yung usok kahit naka aircon ka at nakasara ang bintana mo.
Ano po ba ang dapat gawin?
Thanks
-
August 17th, 2004 12:06 AM #16
CLAVEL3699, baka barado na nga ang drain hole mo. meron ka bang napapansin na tumutulong tubig sa ilalim ng sasakyan mo kapag matagal ng naka-ON ang aircon mo?
yung usok na naaamoy mo is normal lang. hindi naman kasi tightly sealed ang mga kotse, meron mga vents yan para hindi mahirapan mag sara ng mga doors and hindi maubusan ng oxygen sa loob.Signature
-
August 17th, 2004 12:12 AM #17
Meron akong napapansin na tubig na tumutulo pagnakaon ang A/C ko.
Pagnakapatay ba kailangan din ba may tumulo?
Mga magkano po ba pagawa nito? Overhaul po ba ito baba lahat?
Thanks.
-
August 17th, 2004 12:14 AM #18
meron pa rin tutulo a few minutes after i-OFF mo ang car or A/C mo. hindi pa naman kelangan i-overhaul yan. kung barado lang, pwede mong sundutin ng alambre lang, as what Ungas suggested.
Signature
-
that may be, but we all got plastic, young and old. we asked the lto guy, "papel ba po, o...
Driver's License Renewal Process?