Hindi sira ang internals pag bumubulwak ang tubig palabas ng radiator. Either barado ang radiator fins, engine water channels o raidator hose. Pag sira naman ang water pump, hindi iikot o dadaloy ang tubig pag sinilip sa butas ng radiator habang nasa 2000rpm ang makina. Kadalasan may leak ang water pump sa ilalim kung ito ay sira na.
Pwede rin palitan ang cylinder head gasket, karaniwan ito muna ang masisira dahil sa sobrang init ng makina bago pa magwarp ang cylinder head.
Kung may naririnig kang maingay na bakal na nagkikiskisan (mas maingay pa sa tunog ng makina), dun ka na mangamba na nasira ang internals mo.