Quote Originally Posted by SiPS View Post
Good evening mga sir. Possibleng may leak daw sa evaporator yung 2006 vios namin. According sa mga nabasa ko, ok na daw pamalit yung mga aftermarket evaporator, kahit anong class, as long as hindi yung locally made. Yung iba naman sabi mag-oem na kung kaya ng budget.

Questions:

1. Gaano ba kalaki ang difference ng oem vs imported aftermarket evaporator in terms of tibay at cooling effect?
2. Any idea sa estimated price ng oem? Meron ba sa banawe nito or available lang sa denso kapag dun nagpagawa?
3. Pareho lang ba kapag sinabing oem at laminated? replacement at aftermarket? (Paki-clear kasi nalilito ako)
4. Quote kasi sakin 8.5k all in, laminated (note: tanggal dash). May naka-try na kaya na bumili na lang sa labas ng evap then pakabit sa shop para cost lang ng aircon cleaning(2.5-3k)?

Sana may makasagot. Marami na ko nabasa dito pero wala kasi ako makita tungkol sa oem evaporator.
Mura na ung 8.5k sir kumpara sa denso all in all sa denso mga 19k palit evaporator drier and expansion valve. Buti ung akin noon ok pa evaporator askmo din kung pwede lagyan ng cabin filter ung akin pinalagyan ko