Dugtong ko na din dito yung problem ng REVO ko.. slowly loosing coolant din. konting history lang para maintindihan mabuti...

1. odometer * 73k - nag 3/4 yung temperature. 1st time nangyari ito.. found out na wala na coolant yung radiator at reservoir. since gabi noon at i'm on a hiway, tubig na lang muna nilagay ko. kinabukasan dinagdagan ko na lang ng 1 liter coolant. since then, di na ulit nag-overheat..
2. odometer * 75k - dinala ko sa Toyota for service.. oil change/filter, drain coolant/water then replace with toyota Red coolant and distilled water 40%/60%.

after 2 days, saw a leak sa gawi ng water pump and nababawasan sya ng coolant around 1/4 liter/day.. so order ako ng water pump since wala sila stock for the Revo. after a week, wala pa din daw pump, so hintay muna.. around 77k, the leak stopped but still nagbabawas pa din ng coolant sa reservoir. pero di na malakas, around 1/2 liter a week na lang.

here's the explanation of the Toyota service advisor..
nung na-drain sya * 75k ay natanggal daw siguro yung mga dumi na nakabara sa gaskets ng water pump kaya nagka-leak. and kaya daw huminto yung leak ay dahil nabarahan na ulit yung gasket.. since wala na silang makitang sign ng ano mang leak, i asked them kung bakit nagbabawas pa din yung reservoir ko.. i asked him if i need to replace my water pump. di siya nagbigay ng concrete answer and said na obserbahan ko daw muna.

i'm nearing the 80k pms at nagbabawas pa din sya but very slow na lang.. ano ba kelangan ipagawa ko dito???