Quote Originally Posted by vctradingcubao View Post
Gusto ko rin nga sana na every year ma lang eh magpalinis ng Aircon...aware naman ako na dapat talaga eh nililinis ito..kung yung window type aircon nga sa mga bahay eh sobrang dumi na after a few months, ano pa kaya yung sa mga sasakyan na maputik at maalikabok na kalye ang dinadaanan halos araw araw.

Ang kaso, bad experience ko mula pa dun sa mga lumang sasakyan namin years ago, at recently, dun sa Starex namin last year:
Every time nagpalinis ako ng aircon, parang humihina ang lamig, at after a few months, masisira na yung aircon ng sasakyan.
Kaya ngayon, parang hanggat oks naman ang lamig ng sasakyan, para tuloy ayaw ko ng ipagalaw...antayin ko na lang na maramdaman na nawalan ng lamig bago ko ipagalaw...
tama kaya diskarte ko???
Pwede rin, hintayin mo na lang pag di ka na comfortable sa lamig niya or kapag nagrereklamo na yung sakay mo. Pero maganda rin yung preventive maintenance like every year or two years kapag di masyadong gamit ang car mo.