how often do uhave yur aircon cleaned?
dapat ba more often than annual kung ang car e always aircon on,
tapos mga 10k per year ang takbo?
how often do uhave yur aircon cleaned?
dapat ba more often than annual kung ang car e always aircon on,
tapos mga 10k per year ang takbo?
yan ang isa sa mga naging troma namin sa mga cars namin. once na nagalaw na yung aircon system, lagi ng nagkakaproblem. 4 cars na namin ang me tinanggal/kabit sa aircon system dahil sa me nasira or pinalinis lang, pare-pareho ng nagkakaproblem afterwards. magkakaibang shops ang gumawa kaya di rin namin masabing hindi marunong yung gumawa. kaya ayun binenta na lang. the most recent e yung crv (pero di pa binebenta). ayaw lumamig kapag tanghaling tapat, sabi ng shop palitan lang yung drier and linisin yung evaporator, lumamig nga. after a few months, ganun na naman ulit.
Signature
Hindi ko na pinapalinis. Hinihintay ko na lang mawalan ng lamig. Ganun din naman ang lumalabas na gastos, eh. Sayang lang oras kung balik ako ng balik sa aircon shop.
And to think I even use the a/c with the windows open.
boybi,
Kelan ayaw lumamig? Kung stationary yung sasakyan? Baka yung condenser or yung condenser fan ang problema niyan. Just like in our MB100. Pero once umandar, ok na lamig kasi may airflow na sa condenser, eh.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
OTEP, kahit umaandar ayaw lumamig. kahit nasa expressway ako.
Signature
ako rin before up to date ako mag pa cleaning ng aircon, pero nung nagloloko pag nagpapacleaning, hintayin ko na rin mawala yun lamig,
I just have it cleaned when i notioce a considerable decrease in performance or if the smell is already getting musky...
I also just bring our cars to a shop that we already know of... kahit medyo out of the way...
Ako dati with our old cars katulad ng kay sir Otep ay inaantay naming mawala ang lamig bago pa-service. Pero sabi sa Mitsu casa na advisable daw ay every 20k kms or 2 years. Ipon lang ako konti at pa-srvicece ko A/C ng ride ko. :D
sir otep,
mga gaano katagal bago mawalan ng lamig ride mo? 2 or 3 yrs?
:o
buknoy2002,
Mga tatlong taon nga. Depende din sa ride. Yung Montero ng father ko 1997 pa nandito never pang sinervice ang a/c. hehehe. Tibay.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
Depende kasi sa exposure sa dumi. Often times, di naman nagdudumi sa loob ng oto (dust and all) unless laging open ang bintana mo and the dust gets in....tapos pawis ang aircon evaporator....ayus didikit na ang alikabok dun.
Kung kaduda-duda ang small time shops around I would suggest bringing it to the proper aircon shop like Sanden or Nissan's casa for the Calsonic aircon of nissan. Meron nga dito sa AC na aircon shop ang galing gumawa very pulido...pero mababa nga lang ng kaunti sa casa ang singil.
pareho kami ni sir otep. i only had my aircon cleaned kung wala ng lamig. ganun din kasi experience ko before. kung kelan regularly maintained ang aircon maski walang problem, dun nagkakaroon ng problem.
Every 2 years ang pa-cleaning ko. Puro casa so far...hindi nagbabago ang lamig, parang brandnew pa din aircon ko (considering na 7 years na car ko).
sir otep question,
kung wala na lamig aircon mo,,, ano service gawa nila? cleaning lang o me palitan na major na part?:o
i got an idea....gastos nga pag-paservice ng aircon tapos minsan ibabalik mo pa dahil meron kang maririnig na unusual sound or bigla mawala lamig kakaservice lang, hmmp.
Sir Otep.
Yung Pajero ko may unusual smell pag naka fan lang, pero pag naka A/C wala naman siyang amoy at malamig siya. Natatakot lang ako mag pa-service kasi sa mga nababasa ko dito sa forum na baka mag loko yung aircon. Ano ba dapat kong gawin?
palinis mo lang sir di naman ang kapalaran ni pedro kapalaran ni juan basta mamili ka lang ng magaling natechnician. tip ko lang pag nag palinis ka ng ac papalitan mo ang filter drier at expansion valve.BAKIT? ang filter drier kasi ang nag sasala ng foreign gas and matter sa loob ng system ng ac, ano po ang foreign gas at matter sa loob ng system? ito po yung hangin at alikabok na pumapasok sa loob ng mga tubo, bagamat konting konti lang sapat na para magbara ang filterdrier at expansion valve. Tanong ng iba BAKIT ko papalitan ang mga pyesa ko di pa naman sira? totoo po ito di pa sila sira pero wala na silang kakayahan mag function ng 100% kaya kung di mo ito papalitan maari ngang di tumagal ac mo, pero kung papalitan mo ito at makakatagpo ka ng kahit hindi magaling na technician kahit marunong lang sya garantisado good as new ang ac mo at ligtas ka sa madaliang pag kabutas ng evaporator coil
finally, today ko lang napalinis aircon ko. ramdam ko na kasi yung pagbago ng lamig nya. 1st time pa lang napalinis, my ride is civic '97. ayun, parang putik na yung dumi. same din sa iba, di ako mahilig magpalinis unless naramdaman ko na yung changes sa lamig. pressurized water lang pinagamit ko, no chemical used, para di maapektuhan yung evaporator. di ko na dinala kay mang mario. i tried dito sa paborito kung car wash shop. meron din kasi silang aircon service. so far so good.. parang amoy bago yung singaw hindi amoy aso (joke!).
share ko lang.. (cencia na sa pix quality..):
before cleaning...
cleaning...
[IMG]file:///D:/DOCUME%7E1/bryan/LOCALS%7E1/Temp/moz-screenshot.png[/IMG]
cleaning the evaporator.. no chemical.. just pure h20..
after pressurized h2o
si sir noriel...
P1,300 pa la bill ko. tinawaran ko ng 1K.. di daw kasya pang-bigas.. hehehe! ok na rin, super lapit lang din kasi sa amin.
naku sorry.. just deleting double posting.. nagloloko kasi connection..
Halos magyelo na yan dahil kaunti na lang ang dadaanan ng hangin at eventually hihina na rin yung airflow at malakas ang sipol ng hangin kung mapapansin mo. Yung parang gel galing yun sa mga air freshner.