Mga sirs, ano kayang problem nito? 2008 Gen 2 Toyota Vios 1.3.

Bale ang aux fan kasi ng gen 2 isa lang, and dalawa ang speed setting nya, yung isa mahina, di gaano rinig at yung isa malakas na rinig na rinig yung tunog. Since nagpalinis ako ng aircon around 1 1/2 months ago, recently ko lang napansin, bihira ko na lang marinig yung aux fan na malakas umikot, yung "whirrrr" na usually naririnig kapag naka-max speed setting na yung aux fan. Maski kapag tanghaling tapat at max setting ng thermostat ng aircon ko, normally yung aux fan automatic max speed setting agad sya.

Isa pa pala, dati bago ko pinalinis ang aircon, kapag nagcclick ang compressor, tumataas ang rpm nya to 800-900. Ngayon kahit i-max thermostat ko pa, it stays at 600-700rpm na lang, the normal idle rpm.

Ano kayang problem nito? Sobrang rare ngayon kung mag max speed setting yung aux fan, at saglit lang. No wonder pagkauwi ko sobrang init ng singaw ng makina pag binuksan ko yung hood.