Quote Originally Posted by akosijhay View Post
Honda City 2012 GM sir.

Eto napansin ko, bago ako magpalit ng belt lumalamig pa talaga yun aircon kahit tanghaling tapat. Ngayon na observe ko, hilaw ang lamig nya kapag tanghaling tapat unless i rev ko ng 2-3k bago magbuga ng malamig na hangin.

Kung compressor clutch, ano kaya sir pwede ko icheck para masigurado ko na yun talaga problema? Baka kasi kapag dinala ko sa aircon shop, baka irecommend nila na aircon cleaning lang kailangan at ayoko ipa baklas ang dashboard hangga't maaari.
sa description ninyo ng symptoms malaking posibilidad na slipping compressor clutch nga. pwede mo paandarin ang kotse together with the aircon. tapos silipin mo yung compressor. have someone sa loob ng kotse cycle on/off yung manual compressor switch and see for slippage lalo na at idle speed.

my wife used to own a city gm 2009. ang aircon cleaning nya pwedeng di baklas dashboard. una may cabin filter sya pangalawa lahat ng blower assembly kayang hugutin mula sa front passenger footwell. hth