Terrano JDM. Nung unang kuha manginginig ka talaga sa lamig, pero ngayon hilaw ang lamig. Hindi pa pala nakakatikim ng cleaning ito for 7 years

Malamig kung maganda panahon, pero pag tanghaling tapat or kahit hapon hindi malamig
Hilaw pa rin ang lamig kahit at highway speeds pag mainit
Hilaw din kahit buhusan mo ang condenser
Drier(?) yung contraption na may glass may bubbles
May nakabalandrang tube sa side ng air filter ko, so when I check it once in a while, pag ginalaw ko yun may sumisingaw (freon?), also may kakilala ako na sinabing hinawakan nya isa pang metal tube almost above the engine bay, dapat daw malamig yon. I see it dripping although at a very slow rate.
Sa center console, yung left air duct parang hangin lang, while yung right malamig, plus parang may lumalabas na hangin from the footwell kahit hindi nakadepress yung switch para don.

So rule out compressor? Possible dun sa tubings na i've mentioned? Possible din na sira na ang evaporator?
Magkano kaya to have these tubings replaced, cleaning, at flushing ng system? Estimated cost ng evaporator?