Results 311 to 320 of 1789
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2006
- Posts
- 34
January 4th, 2007 05:32 PM #311sir otep, question lang po. balak ko magpatint sa winterpine pero sabay ko na rin sana alarm, either police o viper. ok ba maglagay ng alarm ang winterpine?
either that o kay jeff tan na lang ako magpapalagay ng tint at alarm. i've read that you've had your cars done in both of these places kasi. tia.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2006
- Posts
- 92
January 8th, 2007 03:28 PM #312Try SUNGARD. It's a lot cheaper and it has lasted my cars for the longest time.
Dark magic if you want to hide. Magic neutral if you want to be seen a little.
:cool01:
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2007
- Posts
- 137
January 8th, 2007 10:07 PM #313sungard sa front windshield magic dark daw.....malinaw naman sa gabi....may 1 year warranty daw sa nag-install after that un nxt 9 years sa manufacturer na daw.....
Last edited by incus; January 8th, 2007 at 10:12 PM. Reason: wrong spelling
-
January 23rd, 2007 07:45 PM #314
Hi, there are 3 different series when it comes to 3M. Each series has their own respective size of logo. There is the Black Chrome which is their reflective series, this has the small computerized logo of 3M. Then comes the Color Stable series which has a slightly bigger logo. Lastly, the FX series which is the low end of 3M and has the big inked logo.
Most stores and dealers use / carry the low end. Its best to look for stores that specialize in tints.
www.LAcaraccessories.com
-
January 23rd, 2007 10:12 PM #315
Ok naman sa Winterpine pero mas mahal talaga. Medyo mga low budget city commuter cars lang naman itong mga pinalalagyan ko kaya ok na kay jeff dahil magaling din ang installer.
Kina jeff hindi nila gagawing seamless yung windshield so may putol. Yung sa akin, kinausap ko na lang yung dad niya para pumayag since flat naman ang windshield ng Vitara.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2006
- Posts
- 34
January 24th, 2007 12:08 AM #316nakapagpatint na ako sa winterpine nung saturday. the 3m hp tint for an xtrail set me back by 4k. nung una quote nila sa akin 6500. buti na lang sinabi ko last month e 4k lang ang quote nila. mahal ng 3m magic nila. quote nila sa akin 8300. yikes.
ok naman ang tint nila. one piece sa front at rear windshield. maganda ang lapat. meron lang isang maliit na bubble which i can live with so di ko na binalik. complaint ko lang yung pinanglinis nila sa salamin bago nilagay yung tint medyo nangangamoy sa aircon. pano kaya matatanggal yun?
-
March 7th, 2007 04:07 AM #317
just had my car done at Jaffas in Banawe..solarguard..2700 bigay sakin..after a few days bumalik ako para backjob kasi may bubbles yung windshield at rear pati na rin may problems yung sa side..pagdating ko dun napansin ng kapatid ko na sa rear windshield may mahahabang scratch sa glass na gawa ng cutter...as in sakto sa mga putol na ginwa sa tint ng windshield ko...nagcomplain ako sa owner at sabi na hintayin ko daw nag-install ng tint..pagdating pinakita ko yung scratches, una dineny nya tapos maya2 ay umamin rin at humingi ng patawad kasi ala nga daw sya pambayad...ako naman eh syempre hindi ako papayag na ganun..
kinausap ko ang shop owner at sabi ko na dapat sya managot dun since tauhan nya nakasira nun...sinabihan ba naman ako na sa installer daw ako makipag-usap! sabi ko eh sya naman ang kadeal ko at shop ang pinuntahan ko kaya dapat sila ang managot..ayaw talaga pumayag at pinapakausap pa sakin yung nag-install...biglang deny naman itong nag-install to the max! nabwisit na talaga ako kasi ngayon lang ako nakarinig ng shop na ayaw akuhin ang fault nila at pinapasa sa tauhan nila..apparently freelancer lang pala yung installer nila at hinire lang...malabo kausap ang owner...inamin rin nung naginstall after a while na kasalanan nya...resolution na lang namin eh babayaran ako after a week nung nag-install to get a surplus windshield...take note hindi yung shop ang sumagot ng damages....ngayon lang ako nakarinig ng ganito...nagmamatigas pa ang owner ng shop...ako na nga naaabala sya pa may karapatan magalit...hinding hindi na ako babalik jan sa Jaffas kelanman....sobrang sama ng experience ko jan...
another note, sinagot na nga daw nya replacement nung tint ng front windshield, pero yung rear hindi kahit may bubbles kasi palusot nya banaue daw yun at hindi maiwasan na magkabubbles na maliliit, kaya ginawa na daw nya part nya sa deal..suggest pa nya na contact ko daw insurance ko para sa windshield at tulong na lang daw yung nag-install sa bayad (yung shop owner walang inakong mali). kalabuan na ito kasi kahit anong matinong shop naman ay talagang libre ang backjob kung may problema talaga sa tint...kahit na pinopoint out ko na mga sira sa tint eh ayaw talaga pumayag...para saan pa ang binibigay nyang warranty na 5 years eh kung sa simpleng bubbles lang ng tint after a few days eh ayaw akuhin...
wag na wag kayo pupunta sa shop na ito...walang kwenta ang service...madami pa mas matitino na shop dyan sa banaue..sasakit lang ulo nyo sa Jaffas...kanina lang talaga ako nakakita ng shop na hindi inako ang kamalian at pinasa sa tauhan nila....talk about service...
-
March 7th, 2007 09:15 AM #318
sorry to hear your bad experience mynvidia.
it's experiences like yours which makes me prefer the well-known, better shops kahit medyo may premium ang services nila. though not guaranteed na perfect din, at least lesser risk of drama afterwards.
will go to winterpine na lang... sayang naubusan daw sila ng HP-20.
-
March 7th, 2007 09:56 AM #319
kaya talaga nakakatakot mag pagawa sa mga hindi kilala. mynvidia, charge it to experience na lang.. will spread the word to avoid that shop. marami naman iba jan.
-
March 7th, 2007 10:15 AM #320
sana kinausap man lang kayo ng maayos and konting tulong won't hurt his reputation at least... yung bubbles bro di talaga maiwasan yan lalo na sa open air nila ginawa. kahit sa aircon room di rin yan maiwasan ma lessen lang pero impossible na zero bubbles or dots.
Yung extra AUX Fan is useful sa mga naka montero. Mag improve daw yung AC system since may extra...
Overheating and mitigation methods