Quote Originally Posted by Heretic
Maganda yung gawa nila sa Sun-X sa Cubao. Yung may-ari ang haharap at magsusukat sa sasakyan mo tapos ipapakita nya sa'yo yung computation kaya walang hassle nung mga "ahente" tulad ng sa Vincars.

Sa Altis ng kapatid ko, 2,200 pero walang tint sa windshield. Yung Hyundai Matrix ko (microvan, laki kasi ng mga bintana) mga 3,500 (one-piece sa harap at likod) ang inabot. Full-size van yang sa'yo kaya maghanda ka ng mga 4,500 kung pati windshield ipapa-tint mo. Kapag may defogger ka sa likod, hindi puwedeng one-piece tint.

Sun-Gard yung gamit nila, magandang mansalag ng init.

ano po yung one piece tint? kasi may deffoger yung sa likod ng space gear ko. iba po ba ang price nun?