Yung sa akin magic neutral all through-out pati harap, pinaka ok sa visibility lalo na sa gabi at ok din naman ang heat reduction niya. Ang hindi lang ok ay yung shop na pinagpakabitan ko nito which is WINTERPINE. Nabanggit ko na dati ito sa mga lumang topics regarding sa tint. 5 times ako nagpabalik-balik bago naitama yung tint, ginasgas nung ugok na installer yung rear windshield nung hiniwa niya ng cutter yung puwang para sa 3rd breaklamp ko, nahuli ko rin na gumagamit sila ng aircon ko na nasa ON lang yung ignition key, at yung pinakahuli na lately ko lang nalaman ay yung damage na ginawa dun sa defogger ko, dahil sa hiniwa niya sa umpisa yung tint hindi na gumagana yung isang line ng defogger ko natamaan din sa paghiwa nung ugok na iyon.