MESSAGE TO ALL:

Maraming Salamat po sa mga nag tiwala at mababait na kausap. Alam ko po ramdam nyo serbisyo ko di lang dahil ka tsikot ko kayo kundi dahil clients din po namen kayo. Rest assured po na highly appreciated po kayong lahat.

Sa mga ibang clients na ka Tsikot na mukhang bibili ng tao kung makapag text, mas maganda po kung may konting respeto po tayo. LAHAT ng text nyo sinasagot ko po. LAHAT ng concerns nyo po inaattend ko po at patiently sumasagot po ako with respect kahit bastos na po kayo. Baka kase nasa isip nyo kumikita ako dito. Passion ko lang po at loyalty dahil dito rin ako nagstart na makilala dahil sa trabaho ko. Kaya sana wala pong bastusan na parang kayo nalang may pera sa mundo.

Alam mo kung sino ka Sir. Hindi po hahaba ang Huper Optik thread kung di po kame maasikaso sa mga clients namen. Lahat ng concerns nyo kahit tatatlong araw palang nag papanic kana pero still iniinform kita na 3-4 weeks healing period kase makapal ang film. At di kame mahirap kausap, ikaw lang ang mahirap kausap. Konting respeto po Sir.

Uulitin ko po, 5 years po warranty ng film. HINDI po kame mahirap kausap. Kung nagwoworry kayo na baka may mangyari sa panels nyo dahil nag palit ng film, papalitan namen kung ano mang magiging damages basta mga tinters namen nakasira o ano. Hindi kame magpapasira sa 20K+ na binayaran nyo sa company. Alam namen yun kaya wag ipilit ang maling paniniwala nyo dahil HINDI maliit na kumpanya ang LAUS para takbuhan kayo. Hindi po kame magpapasira ng dahil lang sa ganyan. Tiwala lang dahil di ko rin ibabandera personal number ko dito kung gagaguhin ko lang kayo.


MARAMING SALAMAT po.