huper optik din ang kasama sa ford ranger namin. di ko lang alam kung ano ipapalagay ko, c30, c20, c15 or c05. gusto ko kasi may privacy parin mas maganda kung hindi kita sa loob kahit konti (para makapal ang muka sumingit) hehehe. pickup kasi ito gusto ko sana c05 sa 2nd row. kaya lang pangit ata pag c15 sa 1st row? tapos c20 or c30 sa windshield.
**ATTENTION MGA KA TSIKOT**
Huper Optik Management do have some minor problems with regard to our services and as much as I would like to encourage everyone to try our film, please give me some time observe the progress of the brand itself and the tinter's workmanship.
I apologize for any inconvenience but for the mean time, di muna po ako tatanggap ng installation request. Handlename ko po naka front dito sa TSIKOT at sa ibang forum boards and ayaw kong masira to dahil sa brand and service namen. I will be back pag confident nakong mag recommend sa Huper Optik Phils.
Thank you very much!
ndoyman,
How about warranty claims for clients who have huper optik tints ?
To everyone, wala pong problem sa tint.
Lahat ng nag pa install 5 years warranty parin po yan.
Like I said before, DI KAMI MAHIRAP KAUSAP. Opo tama hindi nga pero lately kase though kahit yung mga previous installation request, maayos naman yung pagka schedule, maayos namang napag bilinan, maayos naman lahat, then suddenly, di daw naka schedule keso di pwedi sa ganito, sa ganyan. In short, ako napong nahihiya sa mga taong nakaka transact ko. Akala pa nila ako nag kulang pero pag mag reremind ako or follow up, sagot saken, "Okay na Sir. " tapos me problema pa pala. Ayaw ko lang ng ganun.
Wala pong problema sa Huper Optik, yung process lang na mejo magulo dun ako naiipit.
Kahapon si Sir Roel RPT nakita at naintindihan nya situation ko kaya sabi ko sa kanya pasensya na sa hassle. Di po ako nag kulang lalo na sa mga taong nag pa install dito sa Pampanga dahil pupuntahan ko personal yung kotse nila at ako pa mismo makikisali sa pag pupunas at pag dodouble check. Pano naman yung mga clients na di ko nakita kung pano na install? Sa text nalang ba sila mag rereklamo na ako naka front dito tapos pag gagawin na either di naka schedule, wala pa yung tinter, o may mga unsatisfactory workmanship issue?
Sabi ko nga po, pag naibalik na yung dating maayos na flow, dun ako tatanggap ulit ng request. ayaw ko na pong mapahiya sa inyo. Isipin nyo na po kung ano pero yun ang main concern ko. KOTSE.COM days pa po tong handlename ko. Yung ibang moderators dito siguro nakikilala pa handle ko. Ayaw ko pong mag pasira ng dahil lang sa mga hassle na ganito.
I HOPE YOU UNDERSTAND PO.
If may concern sa mga dating nag pa HUPER OPTIK, please do text me. Alam nyo pa po number ko and I am 100% willing to HELP you po. Di ko pagmamay ari ang Huper Optik, I am just helping our company. Paulit ulit ko pong sinasabi toh. PM me or text me kung may concern and I will HELP.
For now, di na muna ako tatanggap ng request na for new installations hanggat di ko namomonitor ng personal yung trabaho. Kung willing po kayo pumuntang Pampanga para mag pa install MUCH BETTER dahil mararamdaman nyo serbisyo ko pero kung sa Manila, makakaya ko lang is to monitor the installation through phone. May trabaho po ako dito sa Pampanga kaya di ako maka luwas jan para maimonitor. Yan lang worry ko pag di ko nakikita yung trabaho. Di sa wala akong tiwala sa mga tinters namen pero mas confident ako pag andun ako.
Yun lang po.
Maraming Salamat sa pang unawa.
Thank you so much sir ndoyman kahapon. kahit sino nagpatint dito ng HUPER can testify na maayos kausap si sir ndoyman. Siya pa mismo personally nagmomonitor sa pag tint if your car is done sa pampanga. Kahit sa subaru sya nagwowork, pupuntahan sasakyan mo para makita na maayos workmanship.
"Mafi-feel mo na parang sa kanya yung sasakyang tinitint nila". I myself witness it kasi andun ako nung natint sasakyan namin. You'll get what you paid for, di biro yung binayad natin kaya sinusulit ni sir ndoyman yung binayad and di sya papayag na pwede na pagkagawa hanggat we're very satisfied of the outcome
The problem is not the salary, its more of internal affairs.
Thank you so much and i wouldn't regret transacting to you. If magpatint ako ng ibang sasakyan, no doubt na ikaw tatawagan ko kasi mas tiwala ako sa trabaho mo kahit hindi sa iyo ang credit/kita ng Huper Optik
Maraming Salamat po sa supporta Sir Roel.
Like I've said kahapon po sayo, last na muna yung Swift na papagawa ko though kinuha ko ngayon yung unit at malinis yung pagkatrabaho. Hihintayin ko parin yung consistency in terms of process, people and workmanship.
Maselan po ako kaya ayaw kong mapahiya sa inyo. Deserve nyo pong mapaglingkuran. Ingat po lagi.
Last edited by NdoymaN; February 19th, 2013 at 12:55 PM.
Sir Ndoyman. Does it mean kung sa Pampanga reliable ang mga installers diyan? Kind of busy the past two months so I wasn't able to get back to you.
NdoymaN,
Hats off to you and your show of concern for the tsikot community. Hope this issue gets resolved quickly so as not to jeopardize the quality product that Huper Optik is proving itself to be.
Same lang po yung tinters na nag iinstall pag sa Manila area however, di lang po kagaya pag dito sa Pampanga. Merong di nakikita ng 2-3 na tao, QC officer or installers na nakikita ko at pinapa ayos or pinapaulit ko. Pweding maselan sila at iba pag ka selan ko sa trabaho. Pwedi ring pulido sila na higit sa gusto kong pagka pulido. I hope you get my point. I will be more confident pag personally nakikita ko yung trabaho at kinakabahan ako pag di through phone lang. Di lang po ito ginagawa ko sa work, I have tons of things to do dito sa office at mahirap yung namomonitor mo lahat.
As I have said, NDOYMAN po nakikita nyo palaging naka front dito kaya di ko po hahayaang mafrustrate kayo dahil lang sa Internal Issues or any workmanship issues. I will be back and regularly visit this thread para sa mga ka TSIKOT naten na may concern. It will be my pleasure to assist mga katsikot.