Hi everyone, parequest naman sir kung sino man nka vkool oem05 dito baka pwede papost ng picture from the inside kung maliwanag po ba. Daytime and night time po sana.kasi im planning na magpatint next week sa vkool sa may paco. Oem05 wrap arpund and for the WS Oem20. Thanks in advance. Sana may mapost ng picture. Kasi baka mamaya sa daytime ok then pagdating sa night time mahirapan ako tumingin sa mirrors (sides/rear).
![]()
madilim siya brod kumpara sa mga nasasakyan ko na sasakyan na stock casa tint (like 3m). pero mas maliwanag siya kesa super dark ng solargard hp (gsg10). dati rati hindi ako nakakapagshades sa loob ng kotse ko na naka superdark solargard hp. dito sa vkool oem05, eh nakakapagshades ako pag may araw. sa gabi, parehas lang epekto. kelangan mo magbukas ng bintana pag umaatras sa gabi na walang ilaw sa poste sa paligid. pero sa kalye lalo na sa provincial roads na walang poste ng ilaw, eh sa harap ka lang talaga makakatingin. wala ka na makikita sa side and rear mirrors mo KUNG hindi nakabukas headlights ng katabi o likod mo sa kalye. sa metro roads, eh walang problema kasi may ilaw ng poste. mahirap describe kung sa picture picture lang. you have to see for yourself by being inside one. before i decided to get oem05 wrap around with k14 on windshield, was looking at the pictures posted here in this thread. yung sa trailblazer (si numbah5 yata yun) ang naalala ko.
bago ako nagpakabit ng dark tints, eh paminsan minsan nagsusuot ako ng polaroid dark shades (kasi nga nasanay na rin ako dun sa dati na naka superdark ako na kotse at silawin ako sa mga kasalubong). yung mumurahin lang na pacific blue ata tatak na nabibili sa sm. yung pinaka dark na polaroid kinuha ko. i find the effects same (driving with polaroid shades at night with casa medium tint and night driving comfort on the oem05 k14 combo). im not sure if it's ok for you to try simulating like this.
*polaroid. kasi my eyes always get the feeling of tiredness on those non-polarized dark shades (may have something to do with glare).
Thanks sa info bro. Siguro dapat testingin ko muna na makasakay sa auto na may nakainstall na vkool oem05. Before ko iavail yun. Mahirap na mapasubo. At madisgrasya. Hehe. Sa mismong v-kool ba sa paco meron ba silang sample ng mga sasakyan na nkainstall yung oem 05 para makita ng mga client nila ang final output pag nakainstall na yung vkool tint nila? Di pa kasi ako nkakapunta sa mismong vkool sa paco e.
Kya nga nag dadalawang isip ako kung magpapa tint ko eh. Baka kasi mawala nga yung glare pero mahirapan naman ako kasi madilim.
Saka pag nag pa tint baka ako di na makikita sa labas yung good looking face ng nag ddrive. :bwahaha:
Okay lang sya pag nagdidrive ka sa gabi kc usually well lighted nmn mga daan, ang mahirap lang is pag nagpapark sa d masyadong maliwanag na parking.
may "showroom" ba ang mga tinting stores? tipong pwede mo makita actual yung tints nila inside a car?
Question lang po mga sir, yung vkool tint na free sa hyundai pasong tamo (formerly global city) ano po bang klase yun? Pinakabit ko kasi is yung 'heavy' all sides except sa harap which is 'medium'. Naisip ko po kasi na kahit vkool sya pero kung nagagawa nilang free eh baka di ganon kagandang klaseng tint parin sya. Tama po ba? Or masasabi na okay parin sya kasi vkool kahit na base level yung tint na free? Thanks po
Mas maganda siya vs 3M FX-ST. Para malinaw bro, na-post ko na ito before..
Tier 1:
V-Kool VK and X series
Nano-Tech Clear Sky series
Huper Optik X3 Ceramic, Nano-Ceramic and Clear Ceramic series
SolarGard LX and Silver series
3M CR series
Llumar Ultra Performance, SpectraSelect and Windshield series
Tier 2:
V-Kool K series
Nano-Tech VIP, Charcoal and Reflective series
Huper Optik Klassisch, Klassich Black and Shield series
SolarGard HP and Sterling series
3M BC, CS, FX-HP and MS series
Platinum MNSR series
Llumar Deluxe and High Performance series
Tier 3:
V-Kool OEM series
SolarGard Non-HP series
3M FX-ST series
Platinum MX and MBSR series
Llumar Standard and Premium series
VK70 yung nakakabit sa WS ko, hassle lang ng konti pag dadaan sa SLEx epass lane kailangan ilabas ang epass. very satisfied naman sa heat rejection at visibility lalo na sa gabi, parang walang tint