madilim siya brod kumpara sa mga nasasakyan ko na sasakyan na stock casa tint (like 3m). pero mas maliwanag siya kesa super dark ng solargard hp (gsg10). dati rati hindi ako nakakapagshades sa loob ng kotse ko na naka superdark solargard hp. dito sa vkool oem05, eh nakakapagshades ako pag may araw. sa gabi, parehas lang epekto. kelangan mo magbukas ng bintana pag umaatras sa gabi na walang ilaw sa poste sa paligid. pero sa kalye lalo na sa provincial roads na walang poste ng ilaw, eh sa harap ka lang talaga makakatingin. wala ka na makikita sa side and rear mirrors mo KUNG hindi nakabukas headlights ng katabi o likod mo sa kalye. sa metro roads, eh walang problema kasi may ilaw ng poste. mahirap describe kung sa picture picture lang. you have to see for yourself by being inside one. before i decided to get oem05 wrap around with k14 on windshield, was looking at the pictures posted here in this thread. yung sa trailblazer (si numbah5 yata yun) ang naalala ko.
bago ako nagpakabit ng dark tints, eh paminsan minsan nagsusuot ako ng polaroid dark shades (kasi nga nasanay na rin ako dun sa dati na naka superdark ako na kotse at silawin ako sa mga kasalubong). yung mumurahin lang na pacific blue ata tatak na nabibili sa sm. yung pinaka dark na polaroid kinuha ko. i find the effects same (driving with polaroid shades at night with casa medium tint and night driving comfort on the oem05 k14 combo). im not sure if it's ok for you to try simulating like this.
*polaroid. kasi my eyes always get the feeling of tiredness on those non-polarized dark shades (may have something to do with glare).





kasi im planning na magpatint next week sa vkool sa may paco. Oem05 wrap arpund and for the WS Oem20. Thanks in advance. Sana may mapost ng picture. Kasi baka mamaya sa daytime ok then pagdating sa night time mahirapan ako tumingin sa mirrors (sides/rear).
Reply With Quote