Mga Sirs,

Ride ko po is a Crosswind XTO A/T 2001 model

On my way to Subic over the weekend, hindi na maka-abante yung sasakyan kasi naubusan na ng ATF kasi malakas tulo sa may oil seal. Pagdating sa talyer, kinalas yung yoke and parang kinain na yung bakal. Since walang part na mabili, pinalitan na lang oil seal ko para makabalik sa manila.

Pagdating sa manila, lakas pa rin tagas. Dinala namin sa machine shop ang yoke para lagyan ng panibagong sleeve para makinis na ulit at naglagay kami ng original na oil seal. Akala ko ok na. Pero kanina, lakas pa rin ng tulo galing sa ilalim.

Ano kaya mga pwedeng problema ng Crosswind namin? May advice ba kayo kung saan ok magpaggawa? Laki na ng gastos ang maglagay ng ATF everytime gagamitin yung sasakyan (No choice, isa lang sasakyan namin e).

Salamat!