Mahirap pakiramdaman ito kung kelangan nang palitan. Mas makakasiguro ka kung sisilipin ang langis sa drain plugs. Dapat pareho ang kulay nito sa ordinaryong langis na dark brown. Kapag nag-kulay kapeng may gatas, nahaluan na ito ng tubig at iba pang uri ng likido.
Kung madalas ka sa baha, putik, at alikabok, 5k kms. checkup/refill. Kung daily city driven ang sasakyan, sundin ang nasa manual (every 20k kms. yata).
Usually on the conservative side ay pinapalitan ito every 40,000 kms. Wala namang po nararamdaman as symptom na kailangang palitan except kung nagleak ay di na po makakaandar.
usually, after 30K miles or Major Preventive Maintenance pinapalitan yang mga fluids na yan. No harm on changing them earlier basta tapos na brake-in period. Pinalitan ko tranny fluid ko and differential fluid ko ng synthetic just after 6months para smoother ang shifting.