Good day mga sir,
Tanong ko lang po sana kung ano yung possible na sira nung kotse ko. Hindi ko siya makambyo kahit anong gear/reverse pag naka on yung engine. Pag naka off naman yung engine pumapasok siya pag sinusubukan ko. Kaya ginagawa ko i off ko muna yung sasakyan saka ko siya i kakambyo tapos on ulit para nakapasok na siya sa gear. Have to do it everytime na kakambyo ko into any gear. Tsaka napansin ko din pala na pag naka 2nd gear ako kahit na naka full tapak sa clutch tapos pag binitawan ko yung break umaandar siya mag isa kahit di naka bitaw sa clutch, parang automatic. Pati pala nag ddrop yung idling nya ng medyo mababa pag naka gear ako kahit fully pressed ang clutch. Pati matigas din tapakan yung clutch niya unlike sa normal stock cars/sedans.
Btw yung kotse po pala 97' Toyota Corona Exsior. Automatic siya dati then cinonvert sa manual pati change engine. Manual na kasi nung nakuha ko tapos nagkaganito.![]()


Reply With Quote
