Hmmm... palitan mo na yan, naalala ko yung isang poster natin dito nagtipid sa clutch, pinatagal pa ng ilang linggo. Tirik ang sasakyan sa gitna ng daan.
Di hamak na mas mura ang parts nyan compared to a Patrol. Kung magpapalit ka rin lang wag ka na magtipid sa internal parts. Change all 3, presure plate, clutch disc and release bearing. At wag kang papayag na pukpukin yung release bearing pag mount, di magtatagal iingay ito.