pwede po mag suggest actually nasabi na rin.

engine brake = It depends on how steep yung daan,
pag bumaba ako ng marcos highway,usually 2nd
gear pag masyadong matarik, pag third gear ka
mapapagod ka sa kaka brake kasi feel mo naka
neutral sa bilis ng baba. pag first gear naman,
parang hirap makina kasi sumusobra na siya sa
bilis ng baba.
Full stop sa incline = Pinaka safe pa rin yung naka hand brake ka
kaysa naka half clutch and brake lang, siguradong
aatras ka pagka release mo ng brake, eh ang hihilig pa naman yung ibang driver na tumutok sa likod, nakow disgrasya aabutin niyan.

anong gear pag matarik ang daan?== usually pag alam ko nang matarik yung daan, first gear na lang, siguradong makakaakyat ka, tama sabi ni OTEP, wag lang masyadong mabilis pag akyat para di umiyak makina. pwede ka ring bumwelo na naka 2nd or third gear kaya lang mabilis ka dapat mag shift sa low gear pag medyo di na kayang umakyat yung kotse otherwise stalled engine ka equals biglang atras pag di masyadong mabilis mag brake.


Usually pag lagi kang nag mamaneho dito sa baguio eh masasanay ka rin, parang automatic na yung paa mo sa mga ganyang sitwasyon.


LASTLY: ang suggestion ko pag nakatira ka sa Baguio gaya ko, palitan niyo na kotse niyo ng automatic he he, kakapagod na rin manual, masyado ng matrapik session road ngayon. lalo na sa mga chickas, di na nga ako masyadong nakakapag high gear sa trapik.


;)