normally eh kanya kanya tayo ng driving technique.. mahirap din i-explain lahat .. actually feeling ko nga eh wala naman secret sa paggamit ng clutch ..
the rule is... don't use it to much.. madalas lang gamitin clutch when in 1st gear pag trapik .. kung slow moving traffic, nasa 1st gear ka lang at nakabitaw na sa clutch ..kung sobrang bagal na eh pwedeng shift to neutral pa minsan minsan..
#1 - sa long deep inclined
syempre 1st gear at timpla sa clutch para umakyat at hindi umatras.. pero kung full stop na ng matagal (mga 10 to 15 seconds lang)... handbrake na at shift to neutral at release mo na clutch..kung umusod na kaharap.. 1st gear ulit tapos andar na..
#2 - supermarket basement parking
kung baba ng sasakyan.. make sure na naka handbrake.. hilahin mo yung handbrake ng mabilis para sure ang kapit sa gulong.. meron kasi ako kilala na mabagal humila sa handbrake kaya di makakapit ng husto
kung naka-off engine.. iwanan sa 1st gear para additional protection just in case na mag-fail ang handbrake..
and.. wag agad bumaba.. pakiramdam mo muna car mo kung aatras or hindi..
when going up-hill at naka full-stop... dalawa ang method ng pag-akyat:
1) handbrake method -> naka-tapak ka sa brake pedal at naka-handbrake.. then tapak sa gas pedal ng medyo malalim..then medyo bitaw na sa clutch at pag na-feel mo na parang hirap na engine at parang gusto ng umusod ng car...release the handbrake..
2) no handbrake, nakatapak lang sa brake pedal tapos tapak gas pedal at timpla ng clutch.. mabilisan technique ito hehe
for me, mas effective ang handbrake method pag sobrang stiff ang pataas na road.. for 1st time drivers.. mas madali ito.. pag matagal ka na nagdri-drive eh matutunan mo na yung isang method. pero sa iba eh baka baligtad..
#3 - going up megamall
I use the handbrake method. actually, I don't know how to call this driving technique.. guys paki correct na lang po ako..
#4 - pababa (sa mga short distance na pababa like malls)
naka neutral lang.. brake lang pag kelangan..
#5 - pababa sa slippery road at ibang pang roads like going down from Bagiuo.
- DON'T use neutral at avoid sudden braking.. use engine brake and use only the brake pedal when needed.. normally eh nasa 2nd or 3rd gear ka dito at usually eh wala ng timpla ng clutch.. ilagay lang sa 2nd or 3rd gear depending on your speed..
#6 running fast at 120kph and slowing down..
for a split seconds full-stop..todo tapak clutch.. then use the brake pedal to stop.. then tsaka lang neutral pag may time ka.. kasi normally eh both hands ka steering wheel pag ganitong situations
one more thing... hindi dapat nagtitimpla ng clutch or naka-half pressed/depressed sa 3rd or 4th or 5th gear.. clutch driver ka nga pag ganito at masusunog clutch.. dapat laging fully depressed clutch sa 3rd, 4th or 5th gear ..
every time I slow down on any gear.. naka todo tapak na ako sa clutch.. mas less (yata) ang clutch wear nito .. kumbaga..bago pa ako gumamit ng brake pedal.. naka todo tapak na ako sa clutch kahit ano pa ang gear shift..
not all people drive the same.. halos 10 years na rin ako nagdra-drive kaya ito lang po yung masasabi ko.. meron nga ako officemate na automatic drive nya.. isang paa sa brake pedal.. at isang paa sa gas pedal... medyo weird pero ganon sya magdrive..