Quote Originally Posted by Karl Engbino View Post
Hi, help lang mga boss, meron ako 1988 Toyota Celica coupe automatic tranny at nasa 123000+ miles na ang odo. Kakabili ko lang nito 2nd hand at di ko alam service record ng kotse.

Bigla na lang kasi humina hatak(ang bagal magaccelerate) nung sasakyan ko nung tinakbo ko sya, malapit na maubos gas (nagmamadali ako papuntang gas station) nun. Tapos ayun nagbasa basa ako pwede nagcause ng paghina ng hatak na incline sa fuel system ng sasakyan, at pwede maging cause nun ay madumi fuel filter, so pinacheck ko sa ATE automatic transmission repair shop sa TS CRUZ Subd, sa tingin ni Mang Danny (mekaniko ng ATE) na okay naman ung shifting (sa tingin ko totoo kasi wala talaga ako nararamdaman ng kahit ano regarding sa shifting, mahina lang talaga magaccelerate) so ayun nagpalit ako fuel filter. Ayun ganun pa din ung hatak wala nagbago,

Ngayon balak ko magdrain and refill ng transmission ko, baka umayos ung acceleration problem nito. Dati kasi di naman talaga mabagal mag accelerate ung kotse. may nababasa kasi ako di rin maganda magpaflush ng transmission kung di pa sunog at wala pa metal filings ung atf (light brown ung atf ko pag chinecheck ko dipstick)

Ano maadvise nyo, need ko pa magpa dialysis o drain and refill na lang , pricey kasi masyado ang dialysis at super dali lang mag drain and refill, kayang kaya iDIY.
Since wala service record, palit lahat. Change oil and oil filter. Change air filter. Change spark plugs. Change ATF. Change brake fluid. Change fuel filter. Check ignition timing. Check all belts.

PM me your email address. I can send you a PMS checklist.

Sent from my D5833 using Tapatalk