Isang araw.. may tatlong lalake ang nasa sa jeep.
yung driver, isang guro, at si TOTOY

Nawalan ng kontrol ang sinasakyan nila
kaya nahulog sila sa bangin.

nung nagkamalay ang tatlo, nakatayo
na si san pedro at si satanas sa gilid sa harap nila

SATANAS: dahil napupuno na ang langit, napagkasunduan namin ni san pedro na limitahan nalang ang papasok dito.
kung sino man sa inyo ang makapagtatanong na hindi ko masagutan ng tama, yun ang karapat-dapat makapasok
sa langit. kung masagot ko, derecho kayo sa impiyerno. sinong gustong mauna?

DRIVER: ako!! ako muna!!

SATANAS: ano Ang tanong mo??

DRIVER: anong araw ako unang nag drive

SATANAS: (nag-isip ng konti) august 2 1991

boom... nagliyab at biglang nawala ang driver. sumunod ang guro

GURO: ako naman (nag bigay ng isang napakahabang problem sa math)

nasagutan din ito ng tama ni satanas kaya napunta na rin siya sa impyerno


SATANAS: ikaw naman totoy

TOTOY: hmm... sige kumuha ka ng upuan at butasan mo ng 7 butas

SATANAS: aba inutusan pa ako... pero sige dahil naiintriga ako sa pinapagawa mo kumuha si satanas ng upuan at
nilagyan ng 7 butas.

umupo si totoy at umutot sa upuan...

TOTOY: ang tanong ko sayo... saang Butas ako umutot?

SATANAS: (pinagpawisan) hmmm... sa ikaanim na butas?

TOTOY: mali... sa butas ng pwet ko. Tanga

SAN PEDRO: welcome to heaven totoy.